Routine ko na ang magpunta sa grocery kada payday, kung ang iba ay department store agad ang punta upan para bumili ng bagong pang-japorms ako naman ay excited na makapunta ng supermarket. I dunno if that is my retail therapy pero I find it relaxing walking down the aisles of consumer goods at paminsan minsan ay may magpapa-free taste ng processed meat, canned tuna, crackers, iced tea atbp. (Libreng meryenda agad)
Tuwing mamimili ako sa grocery ay may bagong produkto akong nakikita, mga produktong tila sumisigaw ng “Try me, try me”, ang ilan ay nadismaya ako pero may mga produkto na pumasa sa aking panlasa. Heto ang ilan sa aking bagong natuklasan sa pamilihan:
1. Chicharon ni Mang Juan
Ang sagot ng Jack & Jill sa Marty’s ng Oishi. Available variants include Sukang Paombong & Sukang Paombong with Chili. Although mas nauna ang Marty’s, I must say na mas gusto ko ang texture nito. Masarap na pampulutan at kung di ka maselan ay pwede rin gawing ulam.
2. Sky Flakes Condensada
Ang karaniwang baon sa biyahe ay may bagong bersyon na, ang Sky Flakes Condensada. Parang Rebisco Butter Crackers, gawin mo lang gatas ang palaman.
3. Whittaker’s Bittersweet Dark Chunks
Hindi na ito bago dahil 1896 pa nagsimula ang Whittaker’s sa New Zealand. Sa dami ng tsokolate sa grocery ay napansin ko ito. Di kasi pakyut ang packaging, may certain nostalgia (nostalgia lang talaga ang binili ko). Masarap ang bittersweet chunks, tama lang ang pait at hindi overpowering.
Yan lang muna. Till my next grocery find. Peace and Stay Fresh.