Kakatapos lang namin mag-lunch sa aming fave dining place na “Aling Taling’s Restaurant”, (kung saan laging may promo: libreng sabaw at tubig sa bawat order) ng bumili ang kaopisina ko ng panghimagas na chichiria. Yes, chichiria is dessert, walang basagan ng trip. Binigyan niya ako ng super maumaming Chick N’ Joy (chicken barbecue flavor ayon sa pakete). Magpatuloy sa pagbasa
Tag: chichiria
Grocery Finds
Routine ko na ang magpunta sa grocery kada payday, kung ang iba ay department store agad ang punta upan para bumili ng bagong pang-japorms ako naman ay excited na makapunta ng supermarket. I dunno if that is my retail therapy pero I find it relaxing walking down the aisles of consumer goods at paminsan minsan ay may magpapa-free taste ng processed meat, canned tuna, crackers, iced tea atbp. (Libreng meryenda agad) Magpatuloy sa pagbasa
Chichiria Nostalgia
Gaya ng karamihan ay mahilig din ako sa chichiria noong ako ay bata pa, lagi akong may baon na chichiria nung elementary at ito pa nga ang naging dahilan kung bakit ako nagka-ulcer dahil sa mas gusto ko pa ang lasa ng Cheezums at Pompoms kesa kumain ng kanin at ulam. At kahit ngayon na di na rin ako ganun kabata (at di pa rin ganun katanda 🙂 ) ay may mga oras na gusto ko pa rin kumain ng chichiria. Yun nga lang kahit masarap ang Piattos at Nova o kahit yun mga tig-pipisong kutkutin gaya ng Kiss o Jacky Tyan (o, alam nyo ba yang mga yan?) ay hinahanap ko pa rin yung mga chichiria na nabibili ko nung ako ay pumapasok sa eskwela na naka-khaki shorts at rubber shoes na walang medyas.