Gusto kong matutong mag-bike


Nakakahiya man aminin pero hindi ako marunong mag-bisikleta.

road bike

By Benny Zenga [Public domain], via Wikimedia Commons

Tatlong dekada na ako sa mundong ibabaw pero di ako natutong sumakay sa sasakyang dalawa ang gulong na pinapagana lamang ng lakas ng sumasakay dito. Sabi nga ng isang kaibigan ko, “You missed your childhood,” to which I cannot help but agree. And if it meant I missed my childhood then that is one of the biggest regrets I have in my thirty years of existence on this freakin planet. (among other things)

biking-in-kerava

By Anneli Salo (Own work) [CC-BY-SA-3.0 (http://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0)%5D, via Wikimedia Commons

Bakit nga ba hindi ako natuto? Unang una, I never had a bike growing up, kahit na yung pambatang bike na may training wheels ay hindi ako nagkaroon (There goes the ‘you missed your childhood joke’ again). Wala lang talaga kaming pambili ng bike noon. At kahit na may bike ang kapitbahay namin ay masyado talaga akong mahiyain para manghiram ng bike nila. Maliban doon bata pa lang ay adik na ako sa paglalakad. Kaya siguro di ko naisip na sumakay ng bisikleta.

Wala rin akong matandaan na pagkakataon na sinubukan kong mag-bisikleta. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba hindi ako nagpaturo sa bespren ko noong elementarya eh umangkas pa nga ako dati sa bike niya. In short, wala lang talagang attempt on my part to learn the skill.

Read: For Adult Learners, Bike Riding Isn’t as Easy as It Looks

Bihira lang ang lalaking di marunong mag-bike at gusto ko sana na maalis na ako sa listahan ng mga yun. If I want to learn how to drive then maybe I should learn how to ride a bike first, right? Maliban sa health and fitness reasons, it would be nice to travel by riding a bike.

Kaya nga nung nalaman ko na hindi naman pala ako ang nag-iisang di marunong mag-bike, there’s another friend who does not know how, I began to see the silver lining. Maybe it’s not too late para matuto ako and it would be better if I could learn it with someone who is on the same learning curve as I am. Sayang nga lang at di natuloy yung Biking 101 namin noong nakaraang linggo.

Wish me luck guys, balitaan ko kayo pag natuto na ako at kung ano mang galos, pasa at injury ang matatamo ko bago ako matuto (may posibilidad din naman na hindi ako matuto but let’s not entertain those thoughts)

Till my next rant. Peace and stay fresh dear readers.

PS. Do you know kung saan pwede mag-renta ng bike at ok mag-aral ng pagbibisikleta? May nabasa ako na may bike rental daw sa UPLB kaso di ko alam kung open sa mga di taga doon eh.

Advertisements

36 thoughts on “Gusto kong matutong mag-bike

  1. Dapat matuloy na talaga ang Biking 101 natin. Sadly, mukhang next year na siya magaganap dahil sa ka-busy-han of the season. Anyway, sabi ko nga sa’yo noon, natuto lang ako mag-bike maybe 3 years ago. Self-taught pa dahil may iniwang bike sa bahay namin yung kapatid ko. Fortunately, di naman ako nagalusan at nagkapasa kahit sobrang off ang balance ko. Pero di pa talaga ako magaling. Kasi sandali lang din iniwan yung bike sa bahay namin, e. Hahaha. Don’t worry, marami akong kilalang di rin marunong mag-bike. In short: dream, believe, survive. Hahaha. πŸ˜€

  2. parehas tayo,35 na ako pero til now di pa rin ako marunong ma-bike.. kakabasa ko lng ng blog mo, im searching kasi kung paano mag bike eto nakita ko kaya na click ko… and ayun nakaktuwa di rin nga talag ako nag iisa… kung tinatanong mo kung saan pwede mag aral ng bike… kung taga quezon city ka… meron sa quezon city circle… marami dung bike pwede ma rentahan pwede 1 hour, 2 hour, dipende kung hangang gusto u….sana makabili na rin ako ng bike ko para makapag aral n rin ako ng tuloy tuloy…

  3. May update ba sa story na ito? Sa edad na 34 ay di ako marunong magbike, mag motor at magdrive. Daig pa ko ng asawa ko (lalake po ako), sya taga drive ng kotse namin, tapos ngayon bumili ng scooter sya pa rin. Gusto ko simulan sa pag-aaral magbike, pero syempre nahihiya ako sa kapitbahay. Naturuan ko yung anak ko na 7 years old magbike pero ako mismo hindi marunong. Pinilit ko talaga syang turuan dahil eto yung hindi ginawa para sa akin ng tatay ko kahit meron naman kaming bike.

    Sa ngayon, nag-aaral ako magbike pero sa roofdeck lang namin para hindi ako makita ng mga tao. Kaya lang masikip, hindi man lang ako makaikot. Meron pa rin ba sa QC Circle? Yung mga katulad ko na gusto matuto, sabay sabay na lang tayo para hindi nakakahiya, tawanan na lang natin sarili natin.

    • Hi Arj, Salamat sa pagbisita! Wala pang update, change came at di pa rin ako marunong magbisikleta. Magka-edad pala tayo, dapat siguro mag-aral tayo ng sabay. Paturo tayo sa asawa mo. Hehe. Muli, salamat sa pagbisita sa munti kong blog.

    • Gandang araw, halos parehas pala tau ng case…gus2 ko din matuto…nasa late 30’s na din ako, hindi pa diako at gus2 ko din matuto mag bike at mag motor…nahihiya lang ako mag try sa labas kasi kung kelan matanda na saka pako mag aaral mag bike…marunong ka na ba mag bike brod? Sabay na lang tau mag aral if hindi pa..daig nga din ako ng mrs ko, maruning siya mag bike at mag motor. Sabay sabay na tau mag aral…

    • Hi, Sir ARJ? Ask ko lang,marunong ka na ba mag bike? Gustong gusto ko sana matuto mag bike. Like you, nasa 30+ na din ako, lalaki at may asawa at mga anak. Nakakahiya lang tlga mag aral if marami makakakita sau n ganung edad di pa ko marunong mag bike. Sana po may makatulong sa akin…Kahit ung recommended place na hindi matao at pwd mag hire ng bike na mapagpa praktisan…pero mas maganda din po sana na may kasabay..
      Help me pls..kahit magbayad n lang ako if meron kau alam or suggestion kung saan or sino pwd. I check this blog from time to time para malaman ko update if any..Thanks po sa mag re reply and thanks din kay tadonggeniuskuno

      • May alam ako sir,every Sunday,medyo natuto n ako knina lng,balik ako dun next Sunday..text nyo ako sir wla po siya bayad.sabay sabay tayo matuto,may kasabay din ako,mga nasa 40 na cguro edad.agahan natin para wla maxado tao.

  4. hi, 2 months n mula nung ngcomment ako dito,dahil gusto ko matuto magbike,ayun pumunta ako ng circle,halos 1 hour lng natuto aq magbike,then ayun hanggang sa makuha ko na mga do’s and dont sa pagbibike,naalis na ko sa listahan ng mga hindi marunong magbike hehe,ngaun december plan ko bumili ng bike para service sa pagpasok sa work..madali lang matuto kelangan lang talaga lakas ng loob…

    • text nyo ako mga sir sabay sabay tayo s Sunday,medyo marunong na ako,practice nlng.09159143579.. nahiya din ako knina kasi nasa 29 y/o n ako,pero kinapalan ko n mukha ko kasi gusto ko talaga matuto.hehe.sakto may kasabay ako knina nasa 40+ n cguro edad nag aaral din magbike,ayun mga 2hrs lng natuto na..free po siya wlang bayad.

  5. gawa tayo group sa fb,tapos sabay sabay tayo magaral magbike,09159143579 text nyo ako kung kelangan nyo kasama,sa qc circle tayo..add nyo rin ako s fb,Romeo Angelo Dela Cruz name ko.

  6. Meron pa po bang recent update ito? Gusto ko din sana matuto tlga mag bike. Sobrang nahihiya lang tlaga ako dahil at the age of 38 tapos lalaki.pa.ko, hindi ako marunong mag bike. May alam po ba kau na lugar kung saan puwede ako mag aral mag bike? Kahit saang place sa Manila. Ung sanang hindi matao para hindi nakakahiya n bka pagtawanan pa ko atsaka puwede mag ren ng bike para pwd mag praktis. Or if may gusto din puwede maki join sa akin n matuto para hindi lang ako nag iisa… Thanks po sa magre reply..

      • Buti marunong ka na Sir Romeo…san ung alam mo na place sir? Gus2ng gus2 q na nga talaga matuto mag bike. Maganda din at libre mas lalo maganda sana kung hindi matao sir. Hehehe. Meron pa ba gus2 sumabay? Matao ata pag Sunday Sir…tamang tama sana Restday ko ng Monday bka pwd…

      • Silent Alpha sa BGC sir,9th Ave lapit s high street,wla maxado tao dun sir pag Sunday lalo n pag Sunday,saka di nkakahiya kasi may mas matatanda p s tin dun n nag aaral magbike..txt mo ako sir 09159143579.

      • Maraming salamat sau Sir Romeo, pasensiya na ngaun lang ulit ako nakapag online…cge Sir, maganda nga talaga may kasama. Kya lang baka Monday pa ko makapag try. May makakasabay k n b bukas? Save ko na lang number mo. Txt kita. Thanks.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s