Pak, Pak, Ur Movie Title Sucks


Alam kong maaring hindi mahalaga sa pang-araw araw mong pamumuhay ang post ko ngayon subalit sasabihin ko na rin dahil baka sa hinaharap ay may maitulong ito sa iyo —- sa ano mang paraan na maaring gawin ng universe. Bigla ko kasing naisip na parang hindi na pinagiisipan ang pamagat ng mga pelikula natin ngayon.  Madalasa pag romantic movie ay titulo ng kanta ang ginagamit na pamagat. Nandyan ang “You Changed My Life“,  “For The First Time“,  “Kailangan Koy Ikaw“, “Forevermore“, the list goes on).

movie poster

Pag komedya ang tema ng pelikula, ang nakagawian ay gawing may tugma ag pamagat, magandang halimbawa ay ang mga pelikula ng namayapang si Redford White (SLN) sa Star Cinema, “Isprikitik: Walastik kung pumitik “, “Tik Tak Toys: My Kolokotoys“, “Tong tatlong tatay kong pakitong kitong“, “Haba-baba-doo! Puti-puti-poo!“, “Ala eh… Con Bisoy! Hale-hale-hoy!: Laging panalo ang mga unggoy“. (Disclaimer: Hindi ako fan ni Redford)

Kaya daw ganyan ang mga titulo ng pelikula ay para mas madali ang recall sa mga manonood. Pag madaling maalala ng masa ay mas panunuorin nila ito. Ngunit hindi rin kaya indikasyon ng kalidad ng pelikula ang mismong titulo nito. Sino nga ba ang nakaisip ng mga klasik na pamagat na “Orapronobis“, “Pagdating Sa Dulo“, “Ganito Kami Noo, Paano Kayo Ngayon“, “Tatlong Taong Walang Diyos” at “Kapag ang Palay Naging Bigas, May Bumayo“, yan ang pinagisipan,lalo na yung huli,  isang titulo na may kinalaman sa agrikultural na kasaysayan ng ating lupang hinirang. Ilan pa sa mga nakuha ko sa YouTube na pelikulkang may interesanteng pamagat ang sumusunod.

Hagkan Mo Ang Dugo Sa Kamay ni Venus (1977)

Sugat sa Ugat (1980)

Pito Ang Asawa Ko (1974)

Kailan nga kaya babalik ang malikhaing pagbibigay ng pamagat sa mga pelikulang lokal. Kung hindi ngayon kailan pa? Pag nangyari yun ay baka bumalik ang sigla industriya. Don’t judge the book by its cover but can I judge a movie by its title? Till my next rant. Peace and Stay Fresh. 🙂

Advertisement

11 thoughts on “Pak, Pak, Ur Movie Title Sucks

  1. chrisair ay nagsasabing:

    I agree kesa inuubos nila ang mga songs in a title why not come up with a catchy one, di ba paanu nalang natin ibibida sa ibang bansa ang atin napanuud, at sasabihin nila isn’t it a title of a song. Hope they improved also…

    Like

  2. Carmel David ay nagsasabing:

    I agree! Ngayon, kailangan talaga title ng ENGLISH na kanta ang mga title ng Tagalog movies. Well, yun naman kasi ang gusto ng mga manonood, kaya yun ang ibibigay ng mga gumagawa ng pelikula. Sad bad true.

    Like

  3. Manilenya Mom ay nagsasabing:

    Sa totoo lang, madalang na lang yung mga pelikulang may magandang tema ngayon, yung iba parang nabibiling chi-cha sa tabing tindahan, masarap kainin kase maalat na matamis etc, pero kung papansinin mo walang sustansya kase puro hangin.

    Like

  4. Sining Factory ay nagsasabing:

    I didnt know na may movie palang Babae, sa Bubungang Lata. Ang alam ko lng is a theater play na BUBUNGANG LATA ni Agapito M. Joaquin. Nung Dinagdagan ng Babae, parang naging malaswa. Hahaha. Well, I agree sa point mo. Kung anu ano na lang titles ngayon. Hahaha. Sa mga soaps, uso naman ang title ay name ng bida, Budoy, Amaya, Marimar, Maria la del Barrio, etc.

    Like

  5. mirage2g ay nagsasabing:

    feeling ko lang, nauubusan ng creative juices kasi nakakalimutan na din magbasa? Pero mas malaking tanong diyan eh bakit ang mga artistang pinoy ngayon hindi magandang panoorin di gaya nung lumang panahon — luma daw…

    Like

    • tadonggeniuskuno ay nagsasabing:

      Tama ka dyan, madalas kasi ay kasikatan ang hangad ng mga nagaartista at hindi talaga ang kagalingan sa pag-arte. Buti na lang at maeron paring ilan na may dedikasyon sa kanilang napiling sining. Salamat sa pagbisita mirage2g. 🙂

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.