Sino si Tadonggeniuskuno

Minsan pag tinatanong ako ng “Tell me something interesting about yourself” iniisip kong sabihin na dati akong taong grasa. Yup,  tama ang narinig mo, taong grasa. Pwede ko rin naman sabihin na sometimes I am on the verge of insanity pero that would make the person asking so uncomfortable; but if I say that I used to be a street urchin, mas astig at may street cred diba? Baka bigla pa nila akong irekomendang ma-feature sa I-Witness o Wish Ko Lang.

pusa

Kidding aside, ako si Tadonggeniuskuno, walang hilig sa ehersisyo, mahilig manood ng tv at magbasa ng kung anu-anong babasahin. Paminsan minsan ay nagsusulat ng mga walang kuwentang mga kuwento na kung susuriin mo ay may buting idudulot sa ecological balance dito sa mundo. Best in Math nung kinder after nun ay nagtuloy-tuloy na sa pagkalugmok sa mundo ng mga numero. Nagtapos ng Batsilyer sa Pamamahayag sa isang malaking pampublikong unibersidad sa Sta. Mesa. Sa ngayon ay lingkod bayan at patuloy na naghihintay kay Kristin Kreuk ,pwede na rin siguro si Kate Bosworth, Anna Kendrick, Jennifer Lawrence at Emma Stone. (Choosy pa!).

PS: Hindi po ako si Tado (RIP) , wala rin akong relasyon kay Tado (sikat siya at ako ay isang simpleng taong nangangarap pa rin na maging propesyunal na manunulat, makagawa ng “indie film”, makapaglakbay sa buong mundo at makapunta sa Rio de Janeiro ). Kailangan ko rin ng dagdag na kita kaya kung meron kayong gustong ipagawa basta legal ay malugod kong tatanggapin.🙂

You can visit my other blog: The Wandering Lion (my attempt at travel blogging)

For queries, violent reactions, donations and other things that you think I should be interested in, just send me a message at tadonggeniuskuno(at)yahoo(dot)com

PS. Paumanhin na kung minsan ay pumapalya ako sa grammar.🙂

38 thoughts on “Sino si Tadonggeniuskuno

  1. wala lang po. hindi sinasadyang nakita ko po ang blog nyo dahil sa pananaliksik na may kaugnayan sa talumpati ni P-NOY. Natuwa po ako sa mga articles mo at maging sa mga larawan. gusto ko rin ang pagsusulat pero hindi ko hilig lalo na pag wala akong panahon. napakabusy ko kasi palagi. keep up the good writings!😉

    • @nudork & @rocel: I’m humbled by your comments, I’m just a simple dude trying to write whatever is on my crazy mind…thanks for visiting my humble blog…just keep on writing, practice makes perfect, wait nobody’s perfect…oh you get the drift🙂

  2. Hi, This is Twiinkle Domingo from TV5 News and Public Affairs. I work for the show Dokumentado. We’d like to ask your pemission to use the photo of Lito Lapid ala Survivor posted in one of your blog entries.. Hope you could give us a positive response very soon. Thank you very much and God bless.

  3. tama ba akong nagkita na tayo sa isang ahensya tungkol sa sining? nice to meet you kung ganoon, kung mali it’s bad na ikaw yun hahaha.

    pero pagdating dito sa blog mo! cool feeling ko ito dapat itse-check ko para sa review ng appliances, movies, insurance, direct selling chuz

    seryoso mabuhay! keep it up!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s