ABS-CBN TV Plus: Ang Review sa Mahiwagang Black Box


Wala kaming cable sa bahay kaya nagtitiyaga kaming manood ng TV na gamit lamang ang antenna. Minsan malinaw ang ibang channel tapos malabo na yung iba. Minsan naman malabo lahat at maaaninang mo na lang yung palabas. Kaya nang malaman ko na may mahiwagang black box na inilabas ang ABS-CBN ay agad akong bumili kahit di ako sigurado kung gagana nga talaga ito.

image

Sa halagang Php 2,500 ay may isang unit ka na (nabili ko pala sa SM Appliance Center yung sa akin).

Ano ang nasa box:
1. TV+ Digibox
2. AV Cable
3. Antenna
4. Remote control
5. Batteries
6. Power Adapter

image

Madali lang ang installation ng unit sa TV,  kahit di basahin ang guide (nakasulat sa Filipino) ay siguradong maikakabit pa rin ito kaagad. Pagkakabit ay kailangan munang mag-scan ng channel para mapick-up ng TV Plus.

The verdict:
Totoo ang sinasabi ni Sarah G., may pagbabago ngang nangyari. Malinaw ang reception ng TV. Parang naka-cable kami sa bahay ngayon. Hindi na kumikisap kisap o may guhit guhit ang screen.

image

May 2 exclusive channels: CineMo (puro pelikula ang palabas) at Yey (Kids channel). Mapapanood din ang Knowledge Channel at DZMM Teleradyo. Mapapanood pa rin ang local free TV channels gaya ng ABS-CBN Sports and Action, GMA, GMA News TV, TV5 (May 3 channel pala sila bukod pa sa Aksyon TV), UNTV (3 channel din),  at Beam.

image

Yun nga lang walang ETC, 9News/CNN Philippines, 2nd Avenue, Net 25 at IBC 13. May PTV 4 noong tinesting ko sa opisina pero sa bahay wala talaga signal. Kaya pag gusto kong manood ng Arrow o ng American Idol ay bumabalik na lang ako sa antenna signal.

Hope na eventually ay masasagap din ng Digibox ang signal ng mga nabanggit na channel. If not for the missing channels ay perfect grade na ibibigay ko dito. For the channel na nandoon ay malinaw naman talaga, wala akong reklamo doon. May mga times din na nawawala yung signal ng ibang kalabang channel ng Kapamilya ( I still like to give the benefit of the doubt).

And that’s my review of the ABS-CBN TV+.Till my next rant. Peace and Stay Fresh peeps.

UPDATE (July 25, 2015):

Ilang araw na nawala ang GMA 7 kaya na-miss ko si Lola at Yaya Dub pero buti na lang at meron na uli. Wala pa rin signal ang ETC, CNN Philippines, 2nd Avenue, Net 25, PTV 4 pero may mga bagong religious channel. Ang USB port ay di pa gumagana, sabi ng sales ay hintayin ang OTA (Over The Air) update para dito. Sana ay magkaroon na rin ng Jeepney TV sa TV Plus para mapanood ko na rin ang re-runs ng Palibhasa Lalake at iba pang dating Kapamilya shows.

70 thoughts on “ABS-CBN TV Plus: Ang Review sa Mahiwagang Black Box

  1. Paano nyo po inactivate ung free channels ng tv plus nyo. Sa akin po kasi 2 weeks ko na nabili pero hanggang ngaun, wala paring access sa free channels ung tv plus ko.. pls help naman po.. maraming salamat..

  2. Hindi gumagana samin dito sa Lagro!! guess what… after ko mainstall yang black box na yan..at magtext sa 23661 para makaactivate… walang kahit anong Channel 2!!!! WALA! error 48 no signal ang lumalabas!! nasa bubung na namin yung antena! wala paren!! lahat ng channel meron at sobrang linaw…. like channel 7, 5 and UnTV…pero WALANG CHANNEL 2!!! ano to??lokohan!!! tumawag ako sa 7878 customer service… pero ang sabe ichecheck daw nila ang magpapapunta sila ng field support!!!! hanggang ngayon wala pa!!!!! WALA!!! pinagiisipan ko nag ibalik to!!!

  3. binili ko sya last February, sa loob ng isang bwan nagagamit ko naman sya ng maayos then after a month bigla nalang nag reboot ng ilang beses at nawalan na ng signal. itinawag ko ito sa kanilang hotline gamit ang abs cbn sim pero mahigit isang lingo akong nag ffloow up sa kanila. nag decide ako tawagan yung landline number nila at itinuro sakin yung cervice center nila sa welcome rotunda. pinaayos ko ito at nagamit ulit pero after one week ganun ulit ang nangyari so binalik ko ulit sa service center nila. ilan din ang nakasabay ko duon na nagpapaayos ng kanilang tv plus. nakuha ko sya after 3 days at nung ginamit ko ulit, after 2 days ay ganun nanaman sya. nag rreboot, verify at mag bblur ang screen tapos mag ooff. ganyan din ang problema ng ibang nakasabay ko. Sayang naman ang 2500, fare, effort at oras sa pagbalikbalik ko sa service center. ngayon ipapagawa ko nanaman ulit

  4. Sa office namin tv plus din gamit at merong ETC. Tinry ko ulit magscan gamit na antenna namin pero hindi pa rin kuha ETC at 2nd avenue. Though meron na ngayon yung ibang channels.

  5. 4 units ng tv plus ang binili namin 1 for my uncle in tagaytay,1 for my sister in cavite and 2 units for our condo unit in QC.initially ok naman nakuha namin yng mga free channels but jst recently nawala ang gma7 n gma news channel 11.akala ko sa place lng namin
    Lahat ng location namin,in tagaytay,cavite and QC.ano po ba status nun.marami pa sana gusto bumili sa may condo po namin kaya lng na disappoint sila na nawala yng na mention ko na mga channels.when po nyo ire restore yng mga channels na nawala.paki advise lng po kng intentional on your part to take out those channels.bigla kasi nasira image ng tv plus dito sa amin because of that.u

  6. Good Morning! May nagbebenta dito sa Baguio ng ganyan pero is it true na meron etong mga channels na eto? HBO, STAR MOVIES, DISNEY, CARTOON NETWORK, PBO, MYX, ETC 24? Salamat sa response🙂

  7. Ang tingin ko dito nakakita ang abs cbn ng legal way para pahinain ang signal ng kalaban nila like tv 5 and gma 7. Kahit saan mo ilagay ang antena merong mga abs cbn networks including beam and religious channels palibhasa alam naman ng abs cbn na walang masyadobg nanonood dun. Pero anf gma 7 at tv 5 napaka hirap hanapan ng signal! Kung saan-saan ko na nilagay ang antena napakahirap parin makakuha ng signal para sa gma 7 and tv 5. Minsan magkakaroon ng signal but after several hours mawawala na naman. Dito kami sa Las Pinas.

  8. Ngayon lang ay nilagay ko sa open air sa taas ng bahay namin yung antena. Nakakuha ako ng signal for gma 7. Natuwa ako, akala ko ok na. Pero after 45 mins., nagputol-putol na naman ang signal ng gma 7. GMA 7 ang may pinaka malakas na signal sa lahat ng tv channels kasi may satellite ito kaya imposibleng maging ganito ang signal ng gma 7 kaya I’m starting to think na yung tv plus mismo ang nagja-jam ng signal ng gma 7. Masama ang loob ko kasi I feel cheated sa product na ito. Kasi sabi sa commercial gaganda ang panonood sa tv, meaning, lahat ng channels.

  9. magandang review… parang pinag-iisipan ko na rin. pero bago ko pag-isipan bumili nito kailangan kong bumili ng TV muna hehehe… oo hindi ako nanood ng TV at wala akong sariling TV. huhuhu

  10. syempre gusto ng abs cbn na tumaas ang ratings nila,, kaya sa pamamagitan ng blackbox na ito kaya nilang imanipulate ang rating,, may signal jammer nga siguro yang box na yan kasi imposible namang mawalan ng signal yung ibang channels samantalang yung channels nila ay malinaw.. magaling yung naisip nilang very bad taktics para makalamang sa kalabang networks,,,, very very bad

  11. Hi po.. tanong ko lang @tadonggeniuskuno kung ok lang ilagay ung antenna sa bubong or sa outdoor? bumili po kasi ako ng tvplus kagabi, tapos para sigurado may masagap ng signal, nilagay ko sa labas ung antenna nya.. ( receiver) ok lang po kaya yun?

    tapos ung mga channels, ok naman. Malinaw po ( dito ako sa bataan) sulit ang bili ko, Php 1,999.00 nalang sya,

  12. BIBILI PA NAMAN SANA AKO KASO NAHINAAN NG LOOB BUMILI DAHIL SA MGA NABASA KO.. YEHEY!!! BUTI NALANG MAY REVIEWS.. BUTI NGA SA INYO ATAT KASI KAYO BUMILI HAHAHAHAHA ROCK N ROLL….🙂

  13. walang kwentang customer service assistant punyeta tumatawag ako sa concern number nila ilang beses na cnasagot pero hinahang lang d nag sasalita bwiset mga tamad sinasayang niyo lowd ko mga buseet! sayng 150pesos kong lowd dkayo nag sasalita sa mga customer nio !!!

  14. Nakakasawa na ang mga palabas sa KBO! Kada magbubukas ako ng unit si Vice Ganda ang palabas… Sana bawasan naman ang pagpapalabas sa kanya sa KBO

  15. nakabili kami ng TV Plus sa O+ Concept Store Robinsons Antipolo, last April 29, 2016. We tried it for the first time, OK naman sya. Pero lately, parang tinotopak tong Digibox naming. Pag ilalagay naming sa GMA 7, at GNTV, pawala-wala yung signal. Palaging naka E48. Tapos kapag mag-o-OTA / Over-the-air na sana ipapalabas yung GMA sa Channel 27 (Analog pero in digital na yung picture nya as in walang static) eh naka E014 naman. Sana maayos nila ito! Though, ayos yung mga palabas nila both CineMo and Yey!

  16. Walang signal nung nagpunta kami sa baguio kahit i set ko sa location ng baguio at scan E48 minsan E52 error nalabas. Sayang ang haba pa naman ng byahe hindi namin napakinabanggan ang tv sa kotse. Nagkaroon lang ng signal nung malapit na kmi sa manila pauwi.

  17. KAKABILI LANG NG TV PLUS, UPANG MAKATIPID KASI NAGBABAYAD KAMI NG SKY CABLE… PERO KUNG WALANG IBANG CHANNEL KUNDI ABS-CBN AT KUNG ANONG WALANG KWENTANG CHANNEL. IBABALIK KO NALANG YUNG KAKABILI NAMING FUCKING BLACK IDIOT BOX NG ABS-CBN. MGA NANG-GUGULANG NG TAO. GUSTO MAPATAAS RATING KAWAWA NAMAN KAYO!!!

  18. Matanong kolang po, bago lang po ako bumili ng abscbn tv plus. Pero tatlong channel lang yung napapalabas neto, tpos nawawalan dn ng signal madalas. Ginwa ng asawa ko inilabas nya yung antenna neto nsa taas ng bubong para maka sagap ng signal, umayos namn ng konte pero tatlong channel pa dn po. Kse sabi bago ko bilhin anim na channel mapapanuod ko.

  19. Error 48 yung GMA ko pero sa kaibigan ng Mommy ko ok naman which is 4 houses from our house lang ang distance. Kailangan ko siguro ilagay sa bubong kaso bitin na yung wire baka di umabot sa bubong😦 wala naman prob sakin kung walang 7 since hindi naman ako nanonood don😀 kasi nakokontian lang ako sa channels. Kailangan mo pang magload sa ABS CBN mobile sim mo para makaregister at makapanood sa KBO. BADTRIP.

    Ok siya dito sa Biñan, Laguna, wala lang 7, 2nd Avenue atbp.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s