Why I deserve an Android phone


Nang mabasa ko ang promo tungkol sa pamimigay ng Android phone sa isang masuwerteng blogger na magibibigay ng pinaka-kumbinsidong dahilan kung bakit karapat-dapat na magkaroon nito ay nagdalawang isip ako kung totoo ba ito o gawa-gawa lamang ng malikot na imahinasyon ng isang technologically savvy Pinoy na gustong paasahin ang tulad ko.

Pero dahil sa nakita ko naman na ang link ay galing kay Boy Kuripot ay may tiwala naman ako na ito ay totoo at hindi hokus pokus kaya napagpasyahan ko na rin na sumali dahil wala namang mawawala sa akin. Ang tanong na dapat ko nga lang sagutin ay kug bakit karapat-dapat akong magkaroon ng isang android phone. Why do i deserve to have this thingamajig?

Unang una, mahina ang aking purchasing power para bumili ng bagong cellphone, android man o hindi. Marami pa akong pinagkakagastusan na mas mahalaga kaya ang pagbili  ng phone ay akin munang isinasantabi. Of course, alam kong ang “im poor, therefore i deserve an android phone” tactic ay hindi sapat kaya i want to show my humble phone na ang kaya lamang ay magsend ng text at tumawag. Walang camera at mp3, hindi bluetooth o wi-fi at ni hindi pag-iinteresan ng holdaper.

cp

Ang aking cellphone

Alam kong marami ang nagnanais na magkaroon ng android phone kaya i am just keeping my fingers and eyes crossed na marinig ng universe ang aking hiling na mapalitan na ang aking cellphone. Kung hindi man ako ang masuwerteng magwawagi ay magtitiis na lamang akong muli at patuloy na mangangarap na magkaroon nito sa hinaharap (emo?)

Till my next rant. Peace.🙂

8 thoughts on “Why I deserve an Android phone

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s