Wala kaming cable sa bahay kaya nagtitiyaga kaming manood ng TV na gamit lamang ang antenna. Minsan malinaw ang ibang channel tapos malabo na yung iba. Minsan naman malabo lahat at maaaninang mo na lang yung palabas. Kaya nang malaman ko na may mahiwagang black box na inilabas ang ABS-CBN ay agad akong bumili kahit di ako sigurado kung gagana nga talaga ito.
Sa halagang Php 2,500 ay may isang unit ka na (nabili ko pala sa SM Appliance Center yung sa akin).
Ano ang nasa box:
1. TV+ Digibox
2. AV Cable
3. Antenna
4. Remote control
5. Batteries
6. Power Adapter
Madali lang ang installation ng unit sa TV, kahit di basahin ang guide (nakasulat sa Filipino) ay siguradong maikakabit pa rin ito kaagad. Pagkakabit ay kailangan munang mag-scan ng channel para mapick-up ng TV Plus.
The verdict:
Totoo ang sinasabi ni Sarah G., may pagbabago ngang nangyari. Malinaw ang reception ng TV. Parang naka-cable kami sa bahay ngayon. Hindi na kumikisap kisap o may guhit guhit ang screen.
May 2 exclusive channels: CineMo (puro pelikula ang palabas) at Yey (Kids channel). Mapapanood din ang Knowledge Channel at DZMM Teleradyo. Mapapanood pa rin ang local free TV channels gaya ng ABS-CBN Sports and Action, GMA, GMA News TV, TV5 (May 3 channel pala sila bukod pa sa Aksyon TV), UNTV (3 channel din), at Beam.
Yun nga lang walang ETC, 9News/CNN Philippines, 2nd Avenue, Net 25 at IBC 13. May PTV 4 noong tinesting ko sa opisina pero sa bahay wala talaga signal. Kaya pag gusto kong manood ng Arrow o ng American Idol ay bumabalik na lang ako sa antenna signal.
Hope na eventually ay masasagap din ng Digibox ang signal ng mga nabanggit na channel. If not for the missing channels ay perfect grade na ibibigay ko dito. For the channel na nandoon ay malinaw naman talaga, wala akong reklamo doon. May mga times din na nawawala yung signal ng ibang kalabang channel ng Kapamilya ( I still like to give the benefit of the doubt).
And that’s my review of the ABS-CBN TV+.Till my next rant. Peace and Stay Fresh peeps.
UPDATE (July 25, 2015):
Ilang araw na nawala ang GMA 7 kaya na-miss ko si Lola at Yaya Dub pero buti na lang at meron na uli. Wala pa rin signal ang ETC, CNN Philippines, 2nd Avenue, Net 25, PTV 4 pero may mga bagong religious channel. Ang USB port ay di pa gumagana, sabi ng sales ay hintayin ang OTA (Over The Air) update para dito. Sana ay magkaroon na rin ng Jeepney TV sa TV Plus para mapanood ko na rin ang re-runs ng Palibhasa Lalake at iba pang dating Kapamilya shows.
UPDATE (January 1, 2017)
May ETC (Ch. 11) at 2nd Avenue (Ch. 12) na pero wala pa rin signal ang CNN Philippines. Sa wakas makakanood na rin ako ng The Good Place at This is Us.
salamat sa post na ito, nakapag-decide na ako na bibili na rin nito hehe
LikeLike
Walang anuman. Sana’y mabago rin nito ang buhay mo ResidentPatriot. 🙂
LikeLike
mabuti at may nasagap ka pang ibang channels bukod sa ABS CBN…ako wala
LikeLike
Sa quezon city po b nkakasagap ng signal?
LikeLike
Paumanhin hindi ko alam dahil dito ako sa bandang South nakatira.
LikeLike
ako walang channel 4,13,23,25 at mix
LikeLike
Same here, yung 23 yan na yata yung Channel 2 na ABS-CBN Sports and Action
LikeLike
walang tv5,GMA7,GMAnewstv,Aksyontv po…paano na ito? Taguig is my location
LikeLike
ung sa amin puro scanning nalang lumalabas sa mga channel na YEY, CINEMO, KNOWLEDGE POWER AT DZMM TELE RADYO.. ano kayang problem nung tv plus ko
LikeLike
may baby tv po ba ang abs cbn black box?
LikeLike
Sa amin walang TV5, UNTV bakit kaya ganun?
LikeLike
may alam ba kung paano i manula search ang channel ng ETC / 2nd avenue / JACK share nyo na naman kung paano
LikeLike
Wala rin kaming ETC/2nd Avenue/Jack TV kaya nabalik ako sa analog signal para mapnood yung mga channel na nabanggit.
LikeLike
Paano nyo po inactivate ung free channels ng tv plus nyo. Sa akin po kasi 2 weeks ko na nabili pero hanggang ngaun, wala paring access sa free channels ung tv plus ko.. pls help naman po.. maraming salamat..
LikeLike
hi bakit po may USB slot yung box? pwede rin ba manood ng movies na nasa flash drive? thank you
LikeLike
Try to re-scan to get the channels. Thanks sa pagbisita sa munti kong blog!
LikeLike
pwede bang manood ng movie sa usb port nila
LikeLike
Hindi gumagana samin dito sa Lagro!! guess what… after ko mainstall yang black box na yan..at magtext sa 23661 para makaactivate… walang kahit anong Channel 2!!!! WALA! error 48 no signal ang lumalabas!! nasa bubung na namin yung antena! wala paren!! lahat ng channel meron at sobrang linaw…. like channel 7, 5 and UnTV…pero WALANG CHANNEL 2!!! ano to??lokohan!!! tumawag ako sa 7878 customer service… pero ang sabe ichecheck daw nila ang magpapapunta sila ng field support!!!! hanggang ngayon wala pa!!!!! WALA!!! pinagiisipan ko nag ibalik to!!!
LikeLike
try nyo po i connect ung annalog cable nyo dun s box mas maraming signal ang masasagap
LikeLike
binili ko sya last February, sa loob ng isang bwan nagagamit ko naman sya ng maayos then after a month bigla nalang nag reboot ng ilang beses at nawalan na ng signal. itinawag ko ito sa kanilang hotline gamit ang abs cbn sim pero mahigit isang lingo akong nag ffloow up sa kanila. nag decide ako tawagan yung landline number nila at itinuro sakin yung cervice center nila sa welcome rotunda. pinaayos ko ito at nagamit ulit pero after one week ganun ulit ang nangyari so binalik ko ulit sa service center nila. ilan din ang nakasabay ko duon na nagpapaayos ng kanilang tv plus. nakuha ko sya after 3 days at nung ginamit ko ulit, after 2 days ay ganun nanaman sya. nag rreboot, verify at mag bblur ang screen tapos mag ooff. ganyan din ang problema ng ibang nakasabay ko. Sayang naman ang 2500, fare, effort at oras sa pagbalikbalik ko sa service center. ngayon ipapagawa ko nanaman ulit
LikeLike
Nakakalungkot naman ito. Parang ayoko na tuloy bumili ng TV Plus na yan. 😦
Salamat sa impormasyon, Mikoy!
LikeLike
mahina ang signal nya,, dapat iupgrade talaga yan sayang ang mahal pa nman
LikeLike
sir, laguna area ako, nag aalangan ako bumili kasi gusto namin may gmanews tv at aksyontv sana. meron ba kaya??
LikeLike
Meron naman, ang mga wala lang eh yung ETC at 2nd Avenue…
LikeLike
Sa office namin tv plus din gamit at merong ETC. Tinry ko ulit magscan gamit na antenna namin pero hindi pa rin kuha ETC at 2nd avenue. Though meron na ngayon yung ibang channels.
LikeLike
Sana nga magkaroon ng ETC…wala pa din samin hanggang ngayon eh. Salamat sa pagbisita!
LikeLike
Yung sa amin po ok nung una. Ngttaka po kmi ngyon bkit bglang puro png ch 2 n lng may signal. Ung ibang ch wlang wla tlga..
LikeLike
wala pong gma 7 dito sa taguig… panu po kaya yun?? pero im so happy malinaw na yung channel 2
LikeLike
Nawala din yung GMA sa amin dito sa Muntinlupa, di pa nabalik hanggang ngayon.
LikeLike
4 units ng tv plus ang binili namin 1 for my uncle in tagaytay,1 for my sister in cavite and 2 units for our condo unit in QC.initially ok naman nakuha namin yng mga free channels but jst recently nawala ang gma7 n gma news channel 11.akala ko sa place lng namin
Lahat ng location namin,in tagaytay,cavite and QC.ano po ba status nun.marami pa sana gusto bumili sa may condo po namin kaya lng na disappoint sila na nawala yng na mention ko na mga channels.when po nyo ire restore yng mga channels na nawala.paki advise lng po kng intentional on your part to take out those channels.bigla kasi nasira image ng tv plus dito sa amin because of that.u
LikeLike
Hi Rizal, salamat sa pagbisita, wala akong koneksyon sa manufacturer ng TV Plus. Bumili lang din ako ng unit. Salamat
LikeLike
Very informative itong post mo pati mga comments dito. Maraming salamat sa review mo. Keep writing interesting posts! 🙂 Mabuhay ka!
LikeLike
Good Morning! May nagbebenta dito sa Baguio ng ganyan pero is it true na meron etong mga channels na eto? HBO, STAR MOVIES, DISNEY, CARTOON NETWORK, PBO, MYX, ETC 24? Salamat sa response 🙂
LikeLike
Baka iba yan kasi walang cable channels ang TV Plus.
LikeLike
Ang tingin ko dito nakakita ang abs cbn ng legal way para pahinain ang signal ng kalaban nila like tv 5 and gma 7. Kahit saan mo ilagay ang antena merong mga abs cbn networks including beam and religious channels palibhasa alam naman ng abs cbn na walang masyadobg nanonood dun. Pero anf gma 7 at tv 5 napaka hirap hanapan ng signal! Kung saan-saan ko na nilagay ang antena napakahirap parin makakuha ng signal para sa gma 7 and tv 5. Minsan magkakaroon ng signal but after several hours mawawala na naman. Dito kami sa Las Pinas.
LikeLike
Ngayon lang ay nilagay ko sa open air sa taas ng bahay namin yung antena. Nakakuha ako ng signal for gma 7. Natuwa ako, akala ko ok na. Pero after 45 mins., nagputol-putol na naman ang signal ng gma 7. GMA 7 ang may pinaka malakas na signal sa lahat ng tv channels kasi may satellite ito kaya imposibleng maging ganito ang signal ng gma 7 kaya I’m starting to think na yung tv plus mismo ang nagja-jam ng signal ng gma 7. Masama ang loob ko kasi I feel cheated sa product na ito. Kasi sabi sa commercial gaganda ang panonood sa tv, meaning, lahat ng channels.
LikeLike
I heard ni recall na ng abs cbn ang mga black boxes due to defective daw… is it true?
How about yung mga nakabili na ng black box?
can they able to take refund?
LikeLike
Paumanhin subalit di ko masasagot ang iyong tanong sapagkat di ako affiliated sa kanila. Di naman defective yung unit namin.
LikeLike
magandang review… parang pinag-iisipan ko na rin. pero bago ko pag-isipan bumili nito kailangan kong bumili ng TV muna hehehe… oo hindi ako nanood ng TV at wala akong sariling TV. huhuhu
LikeLike
syempre gusto ng abs cbn na tumaas ang ratings nila,, kaya sa pamamagitan ng blackbox na ito kaya nilang imanipulate ang rating,, may signal jammer nga siguro yang box na yan kasi imposible namang mawalan ng signal yung ibang channels samantalang yung channels nila ay malinaw.. magaling yung naisip nilang very bad taktics para makalamang sa kalabang networks,,,, very very bad
LikeLike
Malinaw kaya to sa Santa Rosa Laguna malapit sa lawa?
LikeLike
Naku di ko po alam, para sa mga tanong ukol sa TV Plus, maari nyo po skilang kontakin sa customercare_tvplus@abs-cbn.com; TEXT: 23661, CALL: 488-8888 (Landline), visit http://tvplus.abs-cbn.com
LikeLike
pwede kayang ilagay ung receiver (antenna) sa labas ng bahay, pwede kaya po sya sa outdoor? salamat.
LikeLike
Pwede, yung receiver namin nasa labas ng bahay.
LikeLike
Hi po.. tanong ko lang @tadonggeniuskuno kung ok lang ilagay ung antenna sa bubong or sa outdoor? bumili po kasi ako ng tvplus kagabi, tapos para sigurado may masagap ng signal, nilagay ko sa labas ung antenna nya.. ( receiver) ok lang po kaya yun?
tapos ung mga channels, ok naman. Malinaw po ( dito ako sa bataan) sulit ang bili ko, Php 1,999.00 nalang sya,
LikeLike
Ok lang na ilagay sa labas, yung sa amin nasa bandang bubong. Salamat sa pagbisita. 🙂
LikeLike
BIBILI PA NAMAN SANA AKO KASO NAHINAAN NG LOOB BUMILI DAHIL SA MGA NABASA KO.. YEHEY!!! BUTI NALANG MAY REVIEWS.. BUTI NGA SA INYO ATAT KASI KAYO BUMILI HAHAHAHAHA ROCK N ROLL…. 🙂
LikeLike
Bossing pede ba dalhin sa bansang America ang box na yan? Thanks’
LikeLike
Parang dito lang yata sa Pinas magwo-work yan eh. Di ako sure ah.
LikeLike
‘yung sa amin, pumipitik-pitik – parang pirated CD.
LikeLike
badtrip ‘yung TV plus namin. pumipitik-pitik ‘yung palabas. ‘di tuloy namin mapanooran. ‘di naman nagre-reply sa text o email ‘yung customer service.
LikeLike
Ang pangit ng tv plus, nakabili pa daw, wala ung ibang channel -_-!
LikeLike
Sir ok ba ang signal nyan sa Rizal ?
LikeLike
Naku di ko alam @ronzel, pasensya na. Ang alam ko lang ay dito sa lugar namin.
LikeLike
walang kwentang customer service assistant punyeta tumatawag ako sa concern number nila ilang beses na cnasagot pero hinahang lang d nag sasalita bwiset mga tamad sinasayang niyo lowd ko mga buseet! sayng 150pesos kong lowd dkayo nag sasalita sa mga customer nio !!!
LikeLike
Nakakasawa na ang mga palabas sa KBO! Kada magbubukas ako ng unit si Vice Ganda ang palabas… Sana bawasan naman ang pagpapalabas sa kanya sa KBO
LikeLike
nakabili kami ng TV Plus sa O+ Concept Store Robinsons Antipolo, last April 29, 2016. We tried it for the first time, OK naman sya. Pero lately, parang tinotopak tong Digibox naming. Pag ilalagay naming sa GMA 7, at GNTV, pawala-wala yung signal. Palaging naka E48. Tapos kapag mag-o-OTA / Over-the-air na sana ipapalabas yung GMA sa Channel 27 (Analog pero in digital na yung picture nya as in walang static) eh naka E014 naman. Sana maayos nila ito! Though, ayos yung mga palabas nila both CineMo and Yey!
LikeLike
Walang signal nung nagpunta kami sa baguio kahit i set ko sa location ng baguio at scan E48 minsan E52 error nalabas. Sayang ang haba pa naman ng byahe hindi namin napakinabanggan ang tv sa kotse. Nagkaroon lang ng signal nung malapit na kmi sa manila pauwi.
LikeLike
Very bad talaga ang ch 2..kaya lumipat n aq s ch7 eh.
LikeLike
Bumili me tv plus nilagay sa tv after 3days ngkaron ng cra sa upper part ng monitor. Di q tuloy alam kung dhl b sa tv plus toh, wala n nga channel 5 nasira p tv q.
LikeLike
Hi poh..im from taguig..pano ba maaccess ang gma network sa tv plus? D poh kc nmin makuha..samantalang meron nman sa kapitbahay namin
LikeLike
Na-try mo na bang mag-search uli ng channel? Salamat sa pagbisita!
LikeLike
Paano po ba malalaman ung password factory default ng tv plus nmin
LikeLike
Hi Albert, paumanhin at di ko rin alam ang sagot diyan. Maari kang magtanong sa TV+ Hotline: 0939901-8888/0917307-8888/0922802-8888 | (02) 488-8888
LikeLike
KAKABILI LANG NG TV PLUS, UPANG MAKATIPID KASI NAGBABAYAD KAMI NG SKY CABLE… PERO KUNG WALANG IBANG CHANNEL KUNDI ABS-CBN AT KUNG ANONG WALANG KWENTANG CHANNEL. IBABALIK KO NALANG YUNG KAKABILI NAMING FUCKING BLACK IDIOT BOX NG ABS-CBN. MGA NANG-GUGULANG NG TAO. GUSTO MAPATAAS RATING KAWAWA NAMAN KAYO!!!
LikeLike
Pwede bang maging tv converter ang tv plus?
Lets say ung tv ay pang singapore ang signal. Kapag pa kinabitan ng tv plus ay makakahanap.ng signal.na pang pinas?
LikeLike
Hi Bel, paumanhin pero hindi ko masasagot ang iyong tanong. Maari mong kontakin ang ABS-CBN TV Plus sa pamamagitan ng ss: customercare_tvplus@abs-cbn.com / 488-8888 (Landline) / TEXT: 23661. Maraming salamat!
LikeLike
Matanong kolang po, bago lang po ako bumili ng abscbn tv plus. Pero tatlong channel lang yung napapalabas neto, tpos nawawalan dn ng signal madalas. Ginwa ng asawa ko inilabas nya yung antenna neto nsa taas ng bubong para maka sagap ng signal, umayos namn ng konte pero tatlong channel pa dn po. Kse sabi bago ko bilhin anim na channel mapapanuod ko.
LikeLike
Hi Bianca, paumanhin subalit hindi ko rin alam kung ano ang problem ng unit nyo, marahil ito ay dahil sa di masagap ang digital signal, sa amin kasi ay ok naman ang mga channels. Maari mong kontakin ang ABS-CBN TV Plus sa pamamagitan ng ss: customercare_tvplus@abs-cbn.com / 488-8888 (Landline) / TEXT: 23661
LikeLike
Error 48 yung GMA ko pero sa kaibigan ng Mommy ko ok naman which is 4 houses from our house lang ang distance. Kailangan ko siguro ilagay sa bubong kaso bitin na yung wire baka di umabot sa bubong 😦 wala naman prob sakin kung walang 7 since hindi naman ako nanonood don 😀 kasi nakokontian lang ako sa channels. Kailangan mo pang magload sa ABS CBN mobile sim mo para makaregister at makapanood sa KBO. BADTRIP.
Ok siya dito sa Biñan, Laguna, wala lang 7, 2nd Avenue atbp.
LikeLike
Wlang lumalabas na press scan sa screen ng TV, ano gagawin
LikeLike
Hi Erwin, paumanhin at di ko rin alam ang sagot diyan. Maari kang magtanong sa TV+ Hotline: 0939901-8888/0917307-8888/0922802-8888 | (02) 488-8888 o sa Facebook page ng ABS CBN TV Plus
LikeLike
Inalis nyo npo ba ang Ang Probinsiyano marathon sa abs cbn tv plus. Nadisappoint po ako dahil hindi ko ito napanood ngaun Sunday May 21.😧
LikeLike
Ng eerror lagi E52 E48 .. lahat ng channel nga channel 2 lang ang ok… Ano ung cnasabi na nila na may channel 5 etc. Ayy naku wala ngang monthly na bbayaran kaso puro abs cbn lang…. Ano para cla lang mpanood??? Paraparaan talaga para mapanood ang mga panis na plabas ng abs cbn. Kinabog kasi ng GMA lalo na sa mga ducumentary kya nglabas ng tv plus n wlang kwenta!!! Bucit!!!! 👎👎👎👎👎👎
LikeLike
Kelan maging available sa Batangas ang TV Plus
LikeLike
madaya madalas mawalan ng gma
LikeLike
ok ba itong gamitin sa bf resort area las pinas?
LikeLike
Hi Joshua, Magandang umaga! Paumanhin at di ko rin alam ang sagot diyan. Maari kang magtanong sa TV+ Hotline: 0939901-8888/0917307-8888/0922802-8888 | (02) 488-8888 o sa Facebook page ng ABS CBN TV Plus
LikeLike