Must See TV: Superstore & The Good Place


Matagal na mula nang huli kong subaybayan ang mga comedy series sa telebisyon, bihira na rin kasi akong manood ng TV dahil sa trabaho pero may dalawang programa ang NBC na nakapukaw ng aking atensyon. Sakto pang parehong may karakter na Pinoy ang mga ito.

superstore-nbc

Una ay ang Superstore na pinagbibidahan ni America Ferrera (Ugly Betty), tungkol ito sa mga empleyado ng Cloud 9, isang fictional na tindahan sa St. Louis, Missouri, parang S&R o SM Hypermarket kung dito sa Pinas ang setting. Ginagampanan ni America ang papel ni Amy, assistant manager, medyo mataray, may asawa at anak at laging kontra-pelo ni Jonah, na ginagampanan naman ni Ben Feldman.

Ang iba pang mga karakter sa palabas ay sina Dina, mahilig sa mga ibon at by the book kung magpatupad ng mga alituntunin; Garrett, paralisado at mahilig mag-prank sa kanyang mga kasamahan, Cheyenne, kakapanganak lang at may aspiring rapper na boyfriend, Glenn, ang uber positive at may faith in humanity na manager ng Cloud 9 at ang Pinoy na si Mateo Fernando Aquino Liwanag na ginagampanan ni Nico Santos. Si Mateo ay ambisyoso at napag-alaman na isang undocumented worker at binili lang ng lola niya ang kanyang “green card”.

Natutuwa ako sa Superstore dahil ang setting nito ay sa isang lugar na madalas natin puntahan ngunit di natin napapansin na mga taong nagtatrabaho dito, kelan mo ba huling kinumusta ang mga sales attendant sa SM o Robinson’s? Malamang ay maraming nagtatrabaho sa mall ang makakarelate dito bagama’t sa Amerika ang palabas.

the good place

Pangalawa ay ang fantasy sitcom The Good Place na pinagbibidahan naman ni Kristen Bell (Frozen, Forgetting Sarah Marshall). Tungkol ito kay Eleanor na namatay matapos masagasaan ng tractor na may billboard ng produkot laban sa erectile dysfunction. Nagising na lang siya at nadiskubreng nasa “good place” na siya dahil sa kanyang mga mabuting ginawa sa noong siya ay nabubuhay pa (pagligtas sa mga nasa death row). Ang siste ay hindi siya yun at iikot ang kuwento ng programa sa pagnanais niyang manatili sa langit na kanyang kinasadlakan.

Kasama ni Eleanor si Chidi (William Jackson Harper), isang dating ethics professor at nakakaalam ng kanyang sikreto; Tahani (Jameela Jamil), pilantropo at nakapaglakbay sa mundo noong nabubuhay pa (kinainisan ni Eleanor dahil sobrang perpekto), Janet (D’Arcy Carden), ang know-it-all, personal assistant ng mga nakatira sa good place, parang si Siri na nagkatawang tao, Michael (Ted Danson), ang arkitekto ng afterlife utopia at si Jason Mendoza (Manny Jacinto), dating DJ at small-time drug dealer sa Florida, napagkamalan siyang si Jianyu na isang Buddhist monk at soul mate ni Tahani. Siya ang PInoy dito, obvious naman sa pangalan pa lang.

Hindi ko nagustuhan ang Ethics at Philosophy noong college dahil sa mga propesor ko kaya sa panonood ko ng The Good Place ay mas naintindihan ko yung mga pinag-aaralan namin dati. Dapat nga itong gawing requirement sa mga estudyante eh. Kailangan lang na mapanood mo ang bawat episode dahil sa laging may cliffhanger at di mo maiintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay pag may nakaligtaan ka.

Till my next rant. Peace and Stay fresh.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s