Tadonggeniuskuno’s Thoughts on That Thing Called Tadhana


 

F Scott fitzgerald quote

Hugot. Whogoat. May pinaghuhugutan.

Lahat tayo may mga ganyang moment sa buhay, mga karanasan na pinaghuhugutan ng ating mga opinyon at paniniwala. Maaring hindi tungkol sa pag-ibig pero lahat ng ating mga iniisip ay may pinanggagalingan. Pinanood ko ang obra ni Antoinette Jadaone base na rin sa trailer nito at mungkahi ng mga kaibigan.

Sasabihin ko na, kung ikaw ay pamilyar sa Before series ni Richard Linklater (Sunrise, Sunset, Midnight) ay agad mong maikukumpara ang pelikulang ito doon. Dalawang bidang nag-uusap tungkol sa pag-ibig (major hugot), naglalakbay, walang ibang mga karakter at tila pinag-adya ng tadhana (hence the tile).

That Thing Called Tadhana (That Thing Called Destiny) asks the proverbial question posed by Whitney Houston, “Where Do Broken Hearts Go?,” and in this case where does Mace (Angelica Panganiban) go after her boyfriend of 8 years breaks her heart after she makes a surprise appearance in Rome. The one where she ends up being surprised and leaves the Italian capital with a suitcase full of lingerie and a bucketful of tears. Mace meets Anthony (JM De Guzman) who is on his way home after finally fulfilling his dream to visit Rome and see the Colosseum, a dream he shared with his mother who unfortunately did not make it. Mace is over baggage, Anthony helps her get through the check in at the airport and that is where their journey starts.

Hindi tipikal na romantic movie ang TTCT (pasensya na, mahaba ang pamagat kaya kailangan ng acronym) yan ay kung ikukumpara natin ito sa nakasanayan nating mga kuwento ng pag-ibig sa lokal na aliwan. Una itong ipinalabas sa Cinema One Originals noong nakaraang taon at bagamat nirelease ng Star Cinema ay malayo sa kanilang mga obra. Kasama na dyan yung paborito ng mga umiibig at sawi sa pag-ibig na One More Chance ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

that-thing-called-tadhana-poster

Walang pre-requisite bestfriend ng bida, yung mga role na madalas gampanan ni Nikki Valdez (sorry Nikki, alam namin na may talento ka, kailangan lang talaga ng halimbawa). Walang flashback scene, walang punto na mag-aaway ang mga bida at magkakasundo sa bandang huli. It’s just them talking, pouring their hearts out and going to Sagada on a whim to escape the harsh realities of life.

Malamang ay may mga taong hindi ito magugustuhan dahil nga sa puro kuwentuhan lang. But I actually liked the movie although wala akong masyadong mga pinaghuhugutan. As the movie goes along, you join the two characters in their journey, first from being strangers in one of the loneliest places on Earth, the airport, to becoming friends and mending their broken hearts when they get to picturesque Sagada.

The two leads are perfect for their roles. Parang nanonood ka lang ng mga kaibigan mong sawi na walang katapusan ang kwento tungkol sa pinagdadaaanan nila. Relatable, believable, incredible.

The movie does not tell you kung naging sila nga sa bandang huli pero isa lang sinasabi nito, darating din ang araw na makaka-move on ka rin sa kung ano man ang pinagdadaanan mo. Hindi man agad agad pero darating din yun. Magigisng ka na lang na wala na ang excess baggage na dala mo at pwede ka ng mag-check in sa next chapter ng buhay mo.

So where do broken hearts go? Can they find their way home? Back to the open arms of a love that’s waiting there? Ang sagot ay nasa puso mo. Boom panes.

Till my next rant. Peace and Stay Fresh.

4 thoughts on “Tadonggeniuskuno’s Thoughts on That Thing Called Tadhana

  1. Ndi mo nman sinagot un tanong… hahaha… just got to commend both actors dhil un delivery ng mga monos nila ay patok nman…. although fair play lan pra sa akin un cinematog… mejo kinulang lan ako sa moving effects… other than that…. must like sila ng no english, please! Syempre pareho author… hahaha

  2. bago lahat ang kinakain kong candy ngayonn ay “stay fresh” so dito siguro ako huhugot ng komento chuz!

    nay ilan na rin nakapagsabi sa akin na panoorin ito pero hindi ko alam bat parang hindi ako nae-entice. eh napanood ko yung before sunset boring na boring ako paano haba pa ng usapan tapos english pa hehehe

    pero dahil parang sabi mo nga interesante ito.. whogoat manood na. sa bagay naniniwala naman ako sa acting prowess ng 2 bida.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s