Kwentong Sine


Ang post na ito ay inspired ng Kwentong Sine episode ng Kantotambs Tayo! The podcast nina Jerald Napoles na pinakinggan ko kagabi sa Spotify. Napag-usapan nila yung mga memories nila sa sinehan at sa panonood ng sine kaya naalala ko yung panahon na nagsisimula pa lang akong mahilig sa pelikula.

🎬 Di ako sigurado kung ito yung pinakauna kong napanood na pelikula sa sinehan pero ito yung tumatak sa memorya ko, “Bihagin Ang Dalagang Ito” (1989) ng Seiko Films. Hindi ko na matandaan kung nanay ko ang nagsama sa akin pero di ko makalimutan na pinanood namin ito sa sinehan doon sa Alabang Public Market. Tama ang nabasa mo, may sinehan noon sa 2nd floor ng palengke. Wala pang mall noon sa Muntinlupa at yung Starmall ay hindi pa itinatayo sa lote na noon ay malaking sementeryo.

Base sa nobela sa komiks, bida sa pelikula si Sheryl Cruz bilang si Kakai, isang mahirap na dalaga na duling na inampon ng isang mayaman at hinulaan na mapapangasawa ng supladong nito na ginampanan ni Gabby Concepcion. Kung ngayon ito ginawa ay malamang cancelledt na ito ng mga Gen Z at trending topic for the wrong reasons sa social media.

🎬 Hindi pa uso dati na pang-isang screening lang yung tiket mo, pwede ka manood nang one to sawa, hangga’t gusto mo at hangga’t kaya pa ng katawan mo yung lamig ng aircon. Naalala ko yung papasok ka ng sinehan na bandang gitna na yung pelikula kaya lalabas ka na lang pag dumating na sa eksenang naabutan mo yung palabas. Plus, SRO o standing room only din dati, pag wala kang upuan ay magtitiyaga kang manood sa aisle at maghihintay ka lang na may mabakanteng upuan.

🎬 Yung Little Shaolin (1994) naman yung una kong pinanood na wala na akong kasamang mas matanda sa akin. Isinama ko lang yung pinsan ko at pinanood namin ito sa SM Centerpoint na isang sakay lang ng jeep mula sa dati naming bahay sa QC.

🎬 Bukod sa kuripot ay limitado lang talaga ang budget ko noon kaya bumibili lang ako ng chichiria (madalas ay malaking Mr. Chips) at Jungle Juice doon sa snacks section sa SM Department Store.

🎬 Sumikat si Macaulay Culkin sa Home Alone pero ang pinanood kong pelikula niya ay yung The Pagemaster (1995) kung saan pumasok siya sa isang library dahil sa bagyo kaso naging animated siya at kailangan niyang harapin ang mga fictional characters mula sa mga klasik na libro para bumalik sa dati.

🎬 Noon (kahit hanggang ngayon) ay mas trip kong manood ng sine ng first screening kasi makakapili ka pa ng mauupuan. Di pa uso noon ang choice seats pagkabili pa lang ng tiket.

🎬 Unang R-18 (o R-16?) na pelikula naman na napanood ko sa sine ay yung “There’s Something About Mary” (1998) nina Cameron Diaz at Ben Stiller. Iconic yung hair gel scene. Panoorin nyo na lang kung di nyo pa napapanood. Ayaw ko na lang mag-talk ng spoilers.

Halos dalawang taon na mula nang magsara ang mga sinehan at may ilan na raw na magbubukas ngayong Nobyembre at a limited capacity (bawal nga lang daw kumain). Sana bumalik na sa dati at nang makanood na uli tayo ng pelikula sa sinehan. Iba pa rin kasi pag nasa big screen at sabay sabay kayong nagrereact ng mga kapwa mo manonood. Iba yung sigaw, halakhak, inis, at lungkot kapag pinapanood natin sa pinilakang tabing kumpara sa TV, laptop o sa screen ng iyong cellphone. 😊

Yun lang. Peace and Stay fresh. Ingats everyone!

Advertisement

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.