Happiness is next to Zombie-ness


Hindi mo iisipin na isang post apocalyptic thriller ang serye na ito kung pagbabasehan ang pamagat. Aakalain mong isang feel-good drama ito tapos maririning mo si Louis Armstrong na umaawit ng “I see trees of green, red roses too/I see them bloom for me and you/And I think to myself/What a wonderful world.”

It’s a post-Covid 19 world, and this might be the series that encapsulates our current situation. From the quarantine to the lockdown, the new normal environment we’re living in. Big words noh? Gusto ko lang talaga gamitin yung salitang encapsulates. May bagong sakit na kumakalat sa pamamagitan ng pagkagat at pagkalmot na pinaghihinalaang dahil sa isang supplement.

This weekend lang ako nakapag-catch up sa episodes ng Happiness and I can’t wait to watch for the next one. Si Han Hyo Joo (Dong Yi) at Park Hyung Shik (Strong Woman Do Bong Soon) ang bida rito pero di naka-focus sa romance ang serye. Invested ako hindi lang sa kanila kundi pati sa kuwento ng iba pang mga karakter. Yung mag-asawang may-edad na may anak na vlogger. Yung dermatologist na ang goal sa buhay ay mang-inis ng kapwa. Yung abogadong ang interes ay bagong kliyente sa gitna ng lockdown. At marami pang iba.

Ito yung serye sakto na pang-binge watch kaya kung mas trip mo yung ganun eh konting hintay pa bago maipalabas ang lahat ng 12 episodes. Mapapanood ito sa Viu at iQIYI.

Advertisement

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.