Kung isa kang batang 90’s gaya ko, malamang ay inaabangan mo din noon ang Halloween Special ng Magandang Gabi Bayan sa ABS-CBN.
Wala pang YouTube o Netflix at iilan lang ang may cable subscription kaya free TV ang namamayagpag. Tuwing Todos Los Santos ay may special episode ang MGB ni Kabayan Noli de Castro at tiyak na ang mga kuwento ng katatakutan mula sa white lady, lumulutang na kabaong, mga kaluluwang di matahimik atbp. na may kasamang reenactment.
Nawala ang MGB noong naging pulitiko si Kabayan, nagkaroon ng special Kababalaghan episode noong 2011 pero iba pa rin talaga yung OG episodes tuwing Undas dati.
Anong naaalala mo sa Halloween specials ng Magandang Gabi Bayan?