Naging tagahanga ako n Bob Ong dahill sa una niyang aklat na ABNKKBSNPLAko?! na nailimbag ng Visprint, Inc. 12 taon na ang nakakaraan. Nagbalik sa aking alaala ang mga masasaya at minsan ay malulungkot na araw noong ako ay nag-aaral pa dahil sa pagbabasa nito. Kung ikaw ay nakapagbasa na nito malamang ay kilala mo si Ulo, Guchiriz, ang Spice Girls at si Miss Uyehara at iba pang mga taong naging bahagi ng school life ni Bob Ong.
Sa susunod na Linggo ay ipapalabas na ang film version ng aklat na pagbibidahan ni Jericho Rosales at siyempre excited na akong mapanood ito. Pero bago natin panoorin si Roberto sa pinilakang-tabing ay maglaro muna tayo ng ABA! Nag-review ka na ba? Yes ABAers may game na ang peyborit nating aklat.
Mabibili ang game kasama ng 12th Anniversary Edition ng ABNKKBSNPLAko?! sa halagang Php 600.00, may kamahalan kaya mabuti na lang at nagtatrabaho na ako kaya nabili ko ito. Kasama sa memory game set ang instruction booklet, game box at siyempre ang mga game cards na may mga tanong na sasagutin ng mga kasali sa laro.
Ayon sa instruction booklet:
Narito ang larong ABA! na hango sa tema ng ABNKKBSNPLAko?!. Isang makabuluhang pampalipas oras upang mas makilala ang sarili at iyong gma “kaklase” sa paaralang ng buhay. Naglalaman ito ng mga tanong na sasagutin, pagsasaluhan, pagiisipan, pagtatalunan, pagtatawanan, at maaring pag-ugatan ng iba pang tanong. Simple lang ang pakay: masayang kwentuhan. Pakikipagkapwa sa paraan ng pakikipag-usap Pagpapalitan ng mga saloobin at opinyon, takot at tuwa, karanasan at pangarap, tagupay at luha, galit at ilang katotohan na medyo kahiya-hiya.
Ito ang halimbawa ng mga tanong sa ABA!
Hmm…sa anong sport nga ba ako mapupunta? Dahil uso ang Winter Olympics pipiliin ko ang Curling. Bakit? Wala lang, gusto ko lang maiba. Heto pa ang isang tanong:
Pwedeng next question? Sagutin ko na lang yan kung sakaling maglaro tayo. Lol.
Hindi lahat ay mga quiz card, meron din namang card na kailangan mong gawin ang pinapagawa nito:
Pag may bomba sa card ay kailangang magawa mo ang inuutos nito sa loob ng isang minuto at pag di mo nagawa ay kaparusahang naghihintay sa iyo. Meron din naman recitation cards na pag nabunot ay sabay sabay na action ang hinihingi sa mga students/players matapos ang mabilisang paglapag ng card sa sahig o mesa.
- Pag Exam card ang nakuha ay ilalapat ang palad upang takpan ang card sa sahig at magsasabi ng “No cheating!”
- Pag yung larawan naman ng batang nagtataas ng kamay ang nakuha ay magtataas ng kamay at magsasabi ng “Present!” ang mga kasali.
Pag yung card na may Philippine Flag naman ay ilalagay lamang ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at magsasabi ng “Lupang Hinirang.”
Pwedeng pitik sa ilong o pingot ang parusa o depende na sa mga kalahok kung masyadong mababaw ang mga ito. Sabi nga ng kaibigan ko ay maganda raw itong laruin sa inuman. Nasubukan namin itong laruin sa opisina (hindi kami nag-iinuman noong gawin namin) at nakakatuwa dahil marami kaming nalaman sa isa’t isa na ikinagulat din namin.
Highly recommended ko ito mga dear readers, sigurado akong matutuwa rin kayo, itaga nyo yan sa bato. Nabili ko pala ito sa National Bookstore. Hanggang sa muli dear readers. Stay fresh! 🙂
waaah! Gusto ko din nyan! wala ka bang pinapa-raffle na ganyan, ser? hahahah! 😀
LikeLike
Mahina ang ekonomiya ngayon eh, kaya wala munang raffle. Hehehe
LikeLike
hahahaha! nangangarap lang po. hindi ako nanalo sa pa-raffle mo dati e. hahaha.
LikeLike
San po nakakabili nyan? wala po kasi dito sa Las Pinas, SM Southmall
LikeLike
Hi Monica, Sa National Bookstore ko lang din ito nabili sa Festival Mall branch. Di lang ako sure kung meron pa. Maraming salamat sa pagbisita.
LikeLike