May FB Page na si Tadonggeniuskuno


Valentine’s Day 2013.

Isang di malilimutang araw. Hindi dahil sa meron akong ka-date kundi dahil sa napagdesisyunan kong gumawa na ng Facebook page para sa munti kong blog. Sabi ng kaibigan ko ay going mainstream na daw ako dahil sa paggawa ko ng FB page. Hindi naman siguro, sumasabay lang sa agos at para na rin maihiwalay ang mga post na personal at yung pwede sa madlang pipol.

Tadonggeniuskuno-FB-page

Hindi ko alam kung marami ang magla-Like pero magkagayunman masaya ako dahil nagawa ko na rin sa wakas, matagal ko rin pinagisipan if I will take the plunge at dahil na rin sa payo ng isang kaibigan/kapwa-blogger ay itinuloy ko na ang bagong pakikipagsapalaran sa social media.

Kaya giliw na tagasubaybay, kung ikaw ay may FB account maari mong i-Like ang opisyal kong pahina. Sinabi kong maari dahil baka ayaw mo naman i-Like at di rin naman ako namimilit. After all, we are in a democratic country. 🙂

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.