Zenco No More


zenco-footstep-alabangNag-half day ako sa opisina kaya naisipan kong dumaan muna sa Alabang para bumili ng ilang mga bagay sa grocery. Pagdaan ko sa Montillano St. patungo sa Lianas Supermarket ay napansin kong sarado na pala ang Zenco Footstep. 

mighty-kid

Noong late 80’s hanggang early 90’s ay marami pa ang bumibili sa Zenco. Dito pa nga nabili ng nanay ko yung rubber shoes ko na Mighty Kid. Paborito ko yung sapatos na yun, kulay asul at walang sintas kundi may velcro strap sa harap. Akala ko dati ako na ang pinaka-cool na bata sa pinapasukan kong mababang paaralan dahil sa suot kong Mighty Kid.

Sa Zenco gaya ng ibang mga old school na shoe store sa Avenida at Sta. Cruz ay may kakatwang paraan para kunin ang nais mong pares ng sapatos. Isisigaw ng sales clerk ang size at model na nais mo at aabangan mo na lang na ihuagis ito ng isa pang clerk sa itaas. Hindi ko alam kung bakit ganun ang style nila dati. Baka para isipin ng mga paslit na hulog ng langit ang bago nilang sapin sa paa.

Hindi ako suki ng branch nila sa Alabang pero pag nakikita ko yun eh nagpapaalala pa rin sa akin ng paborito kong rubber shoes. Ngayon ay wala na yung Mighty Kid ko at wala na rin ang Zenco Footstep. Wala na ang mga alaala ng aking kabataan pero nananatili pa rin ang aking pagiging bata (at pagiging isip bata).🙂

5 thoughts on “Zenco No More

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s