What I Did Last Undas (Huwag mong buhayin ang bangkay ng halimaw sa banga)


Alam ko, ang title ng blog post na ito ay nagpapaalala sa inyo nung mga formal theme na pinapagawa sa atin nung tayo ay nasa elementary at highschool, ka-level ng What I Did Last Summer Vacation (siyempre pagandahan ng ginawa nug tag-araw, pangit naman kung pumunta ka lang sa public pool sa Pansol tapos yung klasmeyt mo ay nagtampisaw sa maputing buhangin ng Boracay diba?) Pero hind yun ang gusto kong pag-usapan, what this is about is what I did nitong nakaraang Undas. At dahil wala naman kaming bibisitahing yumao ay napagpasyahan kong manuod na lang TV.

Suwerte naman at may back to back movie presentation ang Studio 23 sa kanilang Lunch Box Office at ang palabas ay walang iba kundi ang mga klasik na Pinoy horror flicks na “Huwag Mong Buhayin ang Bangkay” at “Halimaw”.Ā  San ka pa? Anung laban ng Paranormal Activity at Drag Me to Hell dyan?šŸ™‚

Ang “Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay” ay mula sa Seiko Films sa direksyon ni Mauro Gia Samonte (the same guy who started the ST trend if I am not mistaken). Kuwento ito ni Robertito Monteclaro (ginampanan ni Jestoni Alarcon) na namatay sa isang car accident at dahil di matanggap ng kanyang ina (played by the brilliant Charito Solis) ang pagpanaw niya ay pumunta siya sa isang embalsamador (played by the late Ruben Rustia) na ala-Frankenstein na bumubuhay ng patay sa tulong ng diyablo.

tv clip

Photo courtesy of Rei Alba

1989 ng unang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula at bagamat 21 taon na ang lumipas ay nakakaaliw pa rin itong panoorin. Bukod sa mga nabanggit ay kasama rin dito sina Rita Avila, Ricky Davao, Jojo Alejar, Pinky Suarez (siya ang hindi ko maalala) at ang mga teen stars ng Seiko na sina Romnick Sarmenta at Jennifer Sevilla. Andito nga rin pala si Regal Shocker, yun bang side kick ni Rene Requestas dati. Sa umpisa ay parang natutulog lang ang bangkay ni Robertito ngunit sa paglipas ng mga araw ay tila-tocino ito na nag-caramelize at unti unting naaagnas.

Pagkatapos naman nito ay ipinalabas nila ang “Halimaw”; dalawang part talaga ito, ang una ay ang “Komiks” na pinagbidahan ni Ian De Leon pero hindi naman talaga ito kuwento ng kababalaghan kundi pantasya kung saan may nabuhay na karakter sa komiks na binabasa niya. Mas pumatok ang pangalawang kuwento na tungkol sa, hulaan nyo, tumpak, anupangaba, kundi halimaw sa banga.

Ang pelikula ay entry ng NCV Films sa 1986 Metro Manila Film Festival kung saan tinanghal na Best Actress si Lisa Lorena. Sa trailer nga daw nito sumikat si Matet kung saan niya sinabi ang kanyang iconic catchphrase na “Takot ako eh!” pagkatapos niyang sumilip sa banga. For those of you na di ito napanood, tungkol ito sa isang banga na may naghihiganting babaylan na pinarusahan ng kanyang mga ka-tribo at sa aking pagkakaintindi ay inilagay sa lintik na banga na siya namang binili ni Lisa Lorena. Sa bawat kawawang nilalang na nilalamon ng banga ay muling lumalakas ang halimaw.

Kasam rin dito sina Lotlot De Leon, Ronel Victor, Marilyn Villamayor (naalala ko tuloy ang That’s Entertainment), Mario O’Hara (na siya ring direktor nito), the late Mary Walter (the creepiest Lola of Philippine Cinema in my opinion) at ang special appearance ng picture ni Ate Guy na dinadasalan sa burol nito (ang nanay ni Lotlot sa pelikula at sa totoong buhay at siya ring nag-produce nito).

That’s what I did last Undas, a fun ride through Pinoy cinema’s horror memory lane courtesy of Studio 23. Till my next rant. Peace and take care of yourselves and each other.šŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s