Pinoy TV Classics


Habang umuulan ng malakas sa Maynila kahapon ay naisip kong maghanap ng mga lumang video ng mga palabas sa lokal na telebisyon sa YouTube at ito ang ilan sa mga napanood ko na sana ay maibigan din ninyo mga giliw na mambabasa.

1. The Sound of Music – Repertory Philippines 1980

Kuha mula sa Student Canteen, ang cast ng The Sound of Music kabilang sina Menchu Lauchengco, Raymond Lauchengco, Risa Hontiveros (yup, the feisty lady who should have been a Senator by now), Javier Arriaga, Lea Salonga, Monique Wilson, Gianina Revilla, Angela Adams.

Disclaimer: Hindi pa ako pinapanganak ng naipalabas ito, ok. 🙂

]

2. Eat Bulaga – circa 1983

Anung laban ng Jonas Brothers dito?

3. Abangan Ang Susunod na Kabanata – 1993

Kasabay ng pagiging uso ng mga teleserye, teledrama, telefantasya at kung anu-ano pang kadramahan ay ang pagkamatay naman ng lokal na komedya sa telebisyon. Di gaya nung dati na araw araw ay mayroong sitcom ngayon ay weekend na lamang ito napapanuod sa dalawang higanteng network,  meron din naman sa TV5 pero iba pa rin noong nakaraang mga taon. At isa nga sa mga paborito ko ay ang Abangan ang Susunod na Kabanata na mula sa malikot na imahinasyon ni Direk Joey Reyes. Hindi lang simpleng pagpapatawa pero may social commentary na sadyang wala na sa mga palabas sa kasalukuyan.

Muli kong naalala si Dino, Barbara Tengco, Ninang Hangin at iba pang mga karakter na tumatak na sa Pinoy pop culture.

4. Nang Magalit si Mahal kay Jimboy.

Alam ko, nalulungkot ka at walang makausap kaya napili ko ang video na ito. Nawa’y kahit sandali ay malimutan mo ang mga problema ng mundo, oil spill sa Amerika, cha-cha ni Gloria, pagkatalo ng Brazil sa World Cup atbp. Di mo man maintidihan ang sinabi ni Mahal, alam kong pagkatapos nito ay masasagot mo din ang matagal mo ng tanong na “Saan ba nagtatago si Happiness?”

Till my next rant. Enjoy. Peace. 🙂

Advertisement

One thought on “Pinoy TV Classics

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.