Asian Drama Reviews: Squid Game


Kung iimbitahan kang sumali sa isang misteryosong laro kapalit ng malaking halaga, papayag ka ba? Ito ang premise ng Squid Game na mapapanood na ngayon sa Netflix.

456 na indibidwal na pawang may problema sa pera ang maglalaro ng mga larong pambata upang makamit ang gantimpalang 46 billion won. Isa lang ang magwawagi at kamatayan ang naghihintay sa mga di papalarin. Ang mga nagpapatakbo ng laro ay mga nakamaskara at tila mga tropa ni Kim Kardashian sa Met Gala.

Si Lee Jung Jae bilang si Seong Ki Hoon/Player No. 456 ang moral compass, siya yung pipiliin ang kaligtasan ng bawat isa. Si Park Hae Soo naman ay si Cho Sang Woo, mukhang mabait ngunit gagawin ang lahat para manalo sa laro. Marami siyang ginawa sa buong serye pero tumatak yung sa episode 6 nang naglaro sila ni Ali gamit ang mga holen.

Matingkad ang kulay na gamit sa drama, gaya ng mga palaruang pambata na kabaligtaran ng nakapanghihilakbot na mga pangyayari sa bawat laro. Pagkatapos ay nilapatan pa ng musika na gaya ng The Blue Danube at Fly Me to the Moon.

Maikukumpara ko ito sa Alice in Borderland at Battle Royale. Naalala ko na nasa episode 4 pa lang pala ako ng Alice in Borderland. Available na ang 9 na episodes ng Squid Game sa Netflix.

Advertisement

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.