Asian Drama Reviews: D.P.


Grabe yung ending, hindi ko na i-spoil pero intense eh.

D.P. (2021)Country: South Korea
Cast: Jung Hae In, Koo Kyo Hwan, Kim Sung Kyun, Son Seok Koo

Compulsory ang military duty para sa mga lalaki sa South Korea at naatasan ang private na si Ah Jung Ho (Jung Hae In) upang maging miyembro ng Deserter Pursuit (D.P.) unit na naghahanap ng mga sundalong tumatakas upang ibalik sila sa kampo. Mulat si Jung Ho sa hirap ng buhay at kaya niyang indahin ang hirap ng pagiging sundalo ngunit hindi pa rin niya matanggap ang bullying na nagaganap sa loob. Sa paghahanap niya sa mga sundalong nag-AWOL ay matutuklasan niya ang hirap na pinagdaanan ng mga ito ang kuwento ng buhay nila.

5/5 sa storyline, walang patapon na eksena dahil bawat pangyayari ay kailangan para maintindihan ng manonood ang mga susunod na kabanata ng serye. Kita mo kung paano sila kinain ng sistema at yung cycle ng bullying at violence. May mga enabler na nakamasid lang ngunit alam ang nangyayari, may gusto ng pagbabago ngunit di nila magawa dahil sa kanilang mga pinuno, may mga tanggap ang nangyayari at inuulit ang ginawa sa kanila sa mga bagong recruit, at may sumusuway sa patakaran at gawi ng karamihan upang maituwid ang mali.

Mahusay ang buong cast simula kay Jung Hae In bilang si Jung Ho, Koo Kyo Hwan bilang Corporal Han Ho Yeol at Kim Sung Kyun (Reply 1988) bilang si Sergeant Park Beom Gu. Nag-stand out ang performance ni Jo Hyun Chul (Hotel del Luna) bilang si Cho Seok Bong. Grabe yung ending, hindi ko na i-spoil pero intense eh.

May aksyon, komedya, at drama ang D.P., naalala ko nga dito yung Prison Playbook sa ilang mga eksena. May guest role si Go Kyung Pyo ng Reply 1988 kaya reunion din nila ito ni Kim Sung Kyun.

Available na ang 6 episodes ng D.P. sa Netflix.

Advertisement

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.