Malungkot na balita, sarado na pala ang Tropical Hut Hamburger sa Alabang.

Ngayon ko lang nalaman pagdaan ko sa may palengke. Sabi sa isang post ay 45 taon na ang branch na ito na katabi ng Mercury Drug na wala na rin sa puwesto nito.
Sentimental favorite ng marami ang Tropical Hut na tila napag-iwanan na ng mga kalaban nitong fast food chain. Paborito ko yung hamburger, fried chicken, at spaghetti nila. Dati may branch din sila sa Gil Puyat na nagsara na rin yata.
Pati na rin yung mga salad. Paalam, Tropical Hut, wala na ang sarap na babalik-balikan.