Anything that can go wrong will go wrong.
Mad for Each Other (2021)
Country: South Korea
Cast: Oh Yeon Seo, Jung Woo
Matagal na rin nang huli akong matawa ng lubusan sa isang Kdrama, pero talagang pinasaya ako ng premiere episode ng Mad for Each Other. Jung Woo week yata ngayon dahil katatapos ko lang ng Best Friend (mas kilala siya bilang si Trash sa Reply 1994) ay heto na naman siya bilang si Noh Hwi Oh, na-diagnose na may Post Traumatic Embitterment Disorder, applicable sa buhay niya yung sabi sa Murphy’s Law na “Anything that can go wrong will go wrong.”
Sa unang episode nga na “Rainy Days Brings Out the Bad in People” ay kitang kita ang mga pangyayari na lalong nagpapalala sa pinagdadaanan niya. Nag-krus ang landas nila ni Lee Min Kyung (Oh Yeon Seo) na may Obsessive Compulsive Disorder. Kung si Hwi Oh ay may anger management issues, si Min Kyung naman ay may tendency na galitin ang mga nasa paligid niya kaya hindi magandang kombinasyon na nasa isang lugar sila.
Sa likod ng mga riot na eksena, partikular na yung elevator scene, ay may drama ang seryeng ito. Gusto kong sundan ang character development nila at sana sa huli ay makita natin ang kanilang paggaling at pagbabago.
30 minuto ang isang episode at sabi sa MyDramaList ay 13 episodes lang ito kaya madaling panoorin.
Mapapanood ang Mad For Each Other sa Netflix.