Tadonggeniuskuno Reviews: Bakwit Boys


“Mapagod kang umasa, sige, pero huwag kang mapagod mangarap.”

BAKWIT BOYS
Director: Jason Paul Laxamana
Cast: Devon Seron, Vance Larena, Nikko Natividad, Ryle Santiago, and Mackie Empuerto

3/5 

“Mapagod kang umasa, sige, pero huwag kang mapagod mangarap.”

Ang Bakwit Boys ay para sa lahat ng nangarap, nangangarap, at mangangarap (tama ba, paumanhin at mababa ang grado ko dati sa Filipino) na maging matagumpay sa buhay.

39557785_2250940228253423_4705971189208580096_n

Isa sa dalawang entry ni Jason Paul Laxamana sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang Bakwit Boys ay tungkol sa apat na magkakapatid (Vance Larena, Nikko Natividad, Ryle Santiago, at Mackie Empuerto) na mula sa Divilacan, Isabela na napadpad sa Pampanga dahil sa binagyo ang kanilang lugar. Pansamantala silang naninirahan sa bahay ng kanilang lolo at nagperform sa piyesta bilang isang banda at nakita ng isang nagbabakasyong dalaga (Devon Seron) na nagkainteres sa kanilang musika.

Unang naisip ko ay dahil nga ukol sa musika at Pampanga ang setting ng pelikula ay baka may JPLCU (Jason Paul Laxamana Cinematic Universe), baka kasi biglang sumulpot yung mga karakter ni Bella Padilla at JC Santos sa 100 Tula Para Kay Stella. Nasobrahan yata ako sa kape kaya yun ang pumasok sa utak ko, pasensiya na.

Ito ang feel-good movie para sa mga nawawalan ng pag-asa at may pakiramdam na sinusundan sila ng isang maitim na ulap na anumang oras ay magbubuhos ng ulan sa kanilang dinadaanan.

Nabanggit na polosador ang lolo ng magkakapatid (ginampanan ni Nanding Josef) at kumanta siya ng awiting Kapampangan sa isang eksena. Maganda sana kung naturuan ang magkakapatid ng kahit isang kanta sa nasabing wika para sa mga millenials at Gen Z na hindi na nakakapakinig ng ganitong uri ng musika. Alam kong galing silang Isabela kaya nakakaintindi lang sila at hindi nakakapagsalita ng Kapampangan pero libre ang mangarap.

Mahusay ang pagkakaganap ng mga artista, si Vance Larena ay may potensyal na maging premyadong aktor kung mabibigyan ng tamang proyekto sa mga susunod pang pagkakataon. May cameo nga pala dito si Kiray Celis na tila wala yatang bagong proyekto, baka sa susunod na PPP?

Inuna ko ang Bakwit Boys bago yung isa pang entry ni Direk JPL dahil alam kong dudumugin naman iyon ng mga manonood dahil sa balik-tambalan nila Bella at JC. Wala man itong big stars meron naman big heart ang kuwento ng Bakwit Boys (mema-connect lang).

Hanggang sa susunod kong rebyu (pag hindi tinamad magsulat), pagod nang umasa pero patuloy na nangangarap,

Tadonggeniuskuno

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.