Tadonggeniuskuno Travels: Budyong Beach Resort, Bantayan Island


budyong beach resort bantayan island

Knock, knock

Who’s there?

Budyong.

Budyong who?

Budyong ka na naman / Tinutukso-tukso ang aking puso / Ilang ulit na bang iniiwasan ka / Di na natuto.

Okay, tama na ang kakornihan. Tigil ko na bago kayo magdesisyon na isara ang inyong browser at di na ituloy ang pagbabasa ng munti kong blog. Nitong nakaraang Disyembre ay bumiyahe kami ng mga kaibigan ko papuntang Bantayan Island, Cebu ang huling biyahe ko para sa 2017 at unang biyahe sa isla ng Bantayan. Nakapunta na ako dati sa Cebu pero para sa trabaho at ito yung unang beses na para mag R&R.

hagnaya port ferry boat

Humigit kumulang apat na oras ang biyahe mula Cebu City patungo ng Hagnaya Port (Sakay ka lang ng Ceres Bus sa North Terminal, P165.00 pesos ang tiket) at mula sa pantalan ay nasa 45 minuto hanggang isang oras ang biyahe ng ferry patungo ng mismong isla (P170.00 naman ang pamasahe dito at may P10.00 na terminal fee at P30.00 na environmental fee).

Pagdating sa Bantayan ay may nag-aabang na motorela sa amin para ihatid kami sa aming destinasyon, ang Budyong Beach Resort na nasa bayan ng Sta. Fe.  Madilim na nag dumating kami sa resort kaya di na kami kumuha ng larawan.

Ganito naman ang bumungad na tanawin sa umaga. Ganda ng sunrise diba? (Kita rin ang sunset dito)

budyong beach resort sunrise

Pag tuluyang sumikat na ang araw ay ito naman ang mga matatanaw mo.

budyong beach resort

budyong beach resort

Asul na karagatan at puting buhangin ang bubungad sa iyo at tila ikaw ay nasa paraiso. Di pa crowded sa beach ng Sta. Fe kung saan naroon ang Budyong Beach Resort at iilan lang ang makikita mong mga bakasyunista. May mga lokal na turista at mga banyaga. Dumarami lang ang tao pagdating ng hapon pero di pa rin kasindami ng gaya sa ibang popular na beach sa bansa.

budyong beach resort

Uunahan na kita dear reader, Hindi Class A na resort ang Budyong, simple lang ang amenities nito, walang swimming pool o spa na naghihintay sayo pagkatapos mong maglunoy sa dagat pero affordable at panalo naman ang lokasyon ng resort. Katabi lang nito yung Kota Beach Resort kung saan kinunan ang pelikulang Camp Sawi.

budyong beach resort accomodation-1

May ganitong accomodation sa Budyong, ang sosyal diba? Pero hindi kami dyan, para yan sa magkatipan, dito kami. ↓

budyong beach resort accomodation group

Beachfront din naman at ito yung nasa tabi mismo ng Kota Beach. P2,500 per night, 2 beds at good for four ang isang room, kaya ang anim kung magrequest ng extra bed. May toilet and bath na sa room. Sadly walang bidet (Because bidet is life).

budyong beach resort paddle kayak for rent

May mga paddle board at kayak din ang Budyong para sa mga nais ng konting ehersisyo at aqua adventure. For rent din and bike at motor bike para sa mga may gustong i-explore ang isla gamit ito.

budyong beach resort bike for rent

Nasa Poblacion ang Budyong kaya malapit lang ito sa palengke kung may kailangan kang bilhin, MJ Square na sentro ng nightlife sa Sta. Fe (Highly recommended namin ang Panyang para sa kumakalam na sikmura), mga bar kung gusto mong mag -chillax at siyempre sa ATM (Philippine National Bank) kung sakaling kulangin ang dala mong cash.

budyong beach resort sunset

Nagustuhan ko na wala sa beach ang mga business establishments at nasa loob ito ng poblacion. Mapayapa sa tabing dagat at walang mga higanteng speaker na nagpapatugtog ng Despacito. Pwede kang mag-moment at magnilaynilay ng mga ginawa mo sa mundong ibabaw.

budyong beach resort accomodation-2

Para siyang Boracay bago naging uber popular ang Boracay. I know, masama magkumpara pero hindi ko maiwasan ang ganitong obserbasyon. Sana ay mapanatili nilang ganito ang baybay-dagat para ma-enjoy ng lahat ang ganda ng Bantayan Island.

Till my next post, Peace and Stay Fresh.

(More on our Bantayan Island adventure in the next blog)

Budyong Beach Resort
Poblacion, Santa Fe
Bantayan, Island, Cebu
Tel. Nos. (032) 438-9285/(032) 438-9169/(+63) 999-494-9473
Email: budyongbantayan@gmail.com

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.