Tadonggeniuskuno Reviews: 1st Ko si 3rd


1st ko si 3rd

1st Ko si 3rd
Director: Real Florido
Cast: Nova Villa, Dante Rivero, Ruby Ruiz, Ken Chan, Ruby Ruiz, Lara Morena, Denise Barbacena, Coleen Borgonia

Sino nga ba ang di nakakakilala kay Nova Villa? Siya na yata ang Pambansang Tita kung susumahin ang kanyang karera sa telebisyon. Ilan sa mga tumatak niyang pagganap ay sa Chika Chika Chicks, Abangan Ang Susunod Na Kabanata, Home Along Da Riles, Kaya ni Mister, Kaya ni Misis, at Pepito Manaloto. Hindi siya big star kung ikukumpara sa iba pero halos lahat ng Pinoy na manonood ay kilala si Tita Nova.

Ibang Nova Villa ang mapapanood sa 1st Ko si 3rd na unang ipinalabas sa Cinemalaya at kasalukuyang ipinapalabas sa Cine Lokal ng Film Development Council of the Philippines. Hindi siya si Tita Azon o si Ninang Hangin, siya si Corazon, bagong retiro at kasama sa bahay at sa buhay asawang si Alejandro (Dante Rivero). Gaya ng ibang nagreretiro ay hindi sanay si Corazon sa buhay na walang ginagawa kaya naghahanap siya ng pagkakaabalahan hanggang dumating sa punto na naging iritable na siya sa kanyang asawa.

Sa kanyang pagsisimba ay makikita niya si Third (Freddie Webb) na kanyang high school sweetheart at dito ay nanumbalik ang alaala ng nakalipas. Ang lalaking uang nagmahal sa kanya ay may puwang pa rin sa kanyang puso at di niya pa rin nakakalimutan ang naudlot nilang pagtitinginan.

Si Nova Villa ang puso ng pelikula, mahusay niyang nagampanan ang papel ng isang taong may mga panghihinayang ngunit tanggap ang kasalukuyan niyang sitwasyon na marami nang nagbago sa takbo ng mga taon. Medyo nabagalan lang ako sa pacing ng pelikula at mahaba ang dalawang oras na paghihintay para magkita silang muli ng kanyang TOTGA (The One That Got Away) ni Third. Simple lang ang ending, very matter of fact, bumalik si Corazon sa kung saan siya nagsimula. Hindi ko na ikukuwento para hindi nyo sabihin na spoiler ang inyong lingkod.

Rating: 

Till my next rant. GTG. 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.