tayo na sa antipolo - boso boso church

Tayo na sa Antipolo


Kailan ba ako huling nagpunta ng Antipolo? Hindi ko na matandaan. Madalas ay dinadaanan ko lang ang bayan na ito patungo sa ibang destinasyon. Nakikita pero hindi nagagalugad, pamilyar pero hindi gaanong kilala. Kumbaga sa Facebook friend ay Acquaintance lang ang kategorya.

Tayo Na Sa Antipolo

Nitong nakaraang Hulyo ay nabigyan pagkakataon ang inyong lingkod na makapaglibot sa lungsod ng Antipolo kasama ang iba pang travel bloggers (tuma-travel blogger na po ako) sa kagandahang loob ng Bienvenido Tours at dito ay nakapamasyal kami sa ilan sa mga atraksyon ng lungsod.

Ang siyudad ng Antipolo ay ipinangalan mula sa puno ng tipolo, isang uri ng breadfruit (Artocarpus Blancoi) na sagana dito noon. Popular din ito bilang pilgrimage site dahil sa Our Lady of Peace and Good Voyage o ang Virgin of Antipolo.

BOSO BOSO CHURCH
Brgy. San Jose, Antipolo City

Tayo Na Sa Antipolo
Una naming binisita ang Nuestra Señora de la Annunciata Parish Church na nasa lumang barrio ng Boso Boso at malugod kaming tinanggap ni Fr. Evan Paul Villanueva na kura paroko ng simbahan. Mas kilala bilang Boso Boso Church, una itong itinatag bilang simbahang pangmisyon ng mga paring Heswita noong labing pitong dantaon at isinailalim sa patronahe ng Nuestra Señora de la Anunciata. Nailipat ang pangangasiwa sa mga paring sekular noong 1762. Napinsala ito ng lindol noong Hulyo 18, 1880.

Tayo Na Sa Antipolo

Noong 1930 ay nilisan ito nang ang bayan ay inilipat upang magbigay daan sa isang ipinapanukalang dam. Nagbalik ang taumbayan sa Boso-Boso nang hindi ito matuloy. Natupok ng apoy ang simbahan noong 1943 at ibinalik sa dating kalagayan noong 1995 sa pamamagitan ng kabutihang loob ng mga deboto.

BOSO BOSO HIGHLANDS RESORT AND CONVENTION CENTER
Marcos Highway, Sitio Cabading, Brgy. San Jose, Antipolo, 1870, Philippines

Tayo Na Sa Antipolo

Matapos ang mini pilgrimage sa Boso Boso Church ay tumungo naman kami sa Boso Boso Highlands Resort and Convention Center. Ang 10-hectare resort ay may dorm style at private room accommodations, restoran, mga swimming pool (paborito ko ang kiddie pool na nasa larawan), sports amenities at convention center. Sinasabing ito ang pinakamalaking resort sa gawing ito ng Antipolo.

Tayo Na Sa Antipolo
Tayo Na Sa Antipolo

Matatanaw mula sa resort ang kabundukan ng Sierra Madre. Meron din silang replica ng Statue of Liberty kaya pwede kang magkunwari na ikaw ay nasa New York, saktong sakto sa goal na maging Instagram model. #FeelingBlessed

Tayo Na Sa Antipolo

SECRET GARDEN OF DORIS
8B Sitio Malanim, Brgy. Dela Paz Along Sumulong Highway, Antipolo, Rizal

secret garden of dorisAng 1.7 ektaryang farm na Secret Garden of Doris ay itinatag ni Doris Lee, isang agriculture advisor at communicator. Magaan kausap si Ms. Doris at kitang kita mo sa kanyang pananalita at kilos ang pagiging malapit niya sa Panginoon. Naramdaman namin ang kanyang sinseridad sa pagbabahagi niya ng kanyang words of wisdom at mga karanasan sa buhay. Tumatak sa amin ang sinabi niya na hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera, ayon sa kanya ay inalok na bilhin ng isang malaking mall ang kanyang lupa subalit hindi niya tinanggap dahil taliwas ito sa kanyang paniniwala. Sabi nga niya, “A passion without a vision is a life without direction.

Tayo Na Sa Antipolo

Pinatikim niya sa amin ang tsaa na mula sa blue ternate flower na tumutubo sa farm. Sinasabing may antioxidant ito at may pain relieving properties (Shut up and take my money!). Masarap din ang suman, coco jam at siyempre ang tatak ng Antipolo na kasuy. Nalamanan hindi lang ang aming sikmura ngunit pati na rin ang aming kaisipan dahil sa mga sinabi ni Ms. Doris.

CASA NIEVES BISTRO

casa nieves - tayo na sa antipolo casa nieves - tayo na sa antipolo

Alam mo yung specialty ni Lola na hinahanda niya tuwing may piyesta o okasyon sa bahay? Ganun ang mga putahe sa Casa Nieves Bistro na matatagpuan sa Robinson’s Place Antipolo. Filipino, Spanish at American, at Italian ang menu ng restoran at okay din ang interiors nito. Ilan sa kanilang putahe ang Buffalo Wings, Paella at Afritada.

Tayo Na Sa Antipolo

Tayo Na Sa Antipolo

Tayo Na Sa Antipolo

KAMPAI SUSHI BAR

Bukod sa Casa Nieves ay natikman din namin ang Japanese dishes mula sa Kampai Sushi Bar nasa Robinson’s Place Antipolo rin. Kaya kung may craving ka ng sushi, gyoza, california maki atbp., mag Kampai Sushi Bar na!

kampai sushi bar kampai sushi bar
 kampai sushi bar  kampai sushi bar

CALLOSPA RESORT
Marigman Extension, Antipolo City

Tayo Na Sa Antipolo Tayo Na Sa Antipolo
Tayo Na Sa Antipolo Tayo Na Sa Antipolo

Sa busy ng ating schedule at dami ng ating ginagawa ay kailangan din natin ang mag-relax at i-pamper ang sarili. Iba-iba ang stress reliever natin at isa na dyan ang pagpunta sa spa. Ang Callospa Resort ay sinimulan ni Bb. Gelly Garcia bilang isang private resort spa bago pa man nagbukas ang iba’t ibang spa sa Kamaynilaan. Sa kalaunan ay nag-expand na rin ang resort sa pag-host ng mga kasal at iba pang mga pagtitipon.

LORELAND FARM RESORT
Brgy. San Roque, Antipolo City

Sa loob ng 20 taon ay naging paboritong bakasyunan hindi lamang ng mga taga-Antipolo kundi pati na rin ng mga taga ibang lugar ang Loreland Farm Resort. Nagsimula lamang ito bilang isang pribadong rest house na may manggahan at taniman ng kasuy noong dekada nobenta ngunit ngayon ay isa nang malaking resort na kumpleto sa mga pasilidad para sa buong pamilya at barkada.

Tayo Na Sa Antipolo

LULJETTA’S HANGING GARDENS SPA

Tayo Na Sa Antipolo

Bagama’t nasa iisang compound lang ang Loreland Farm Resort at Luljetta’s Hanging Garden’s Spa ay iba ang vibe ng huli. Kung geared towards family outing at team building ang Loreland, mas akma ang Luljetta’s sa mga magkatipan at mga nagnananais ng relaxation at detoxification mula sa magulong siyudad.

Tayo Na Sa Antipolo

Maraming spa services na pwedeng pagpilian, kabilang na dyan ang kanilang Signature Massage (na inavail ng inyong lingkod, sorry no photos), Fish spa (nasa larawan), Hydro Massage, Scrub at marami pang iba. May restaurant din sa resort at nasubukan namin ang kanilang pinagmamalaking Antipolo’s Best Suman, may Suman, Mangga at Kasuy. Perfect na kapares nito ang kanilang iced tea na may lemon grass.

Tayo Na Sa Antipolo

Sa ganda ng lugar ay iisipin mo na ikaw ay nasa Bali, Indonesia. But you’re not in Bali, Dorothy, not even in Kansas. Ang relaxing vibe ng Luljetta’s ay sandaling nagpalimot sa akin ng aking mga pinagdadaanan sa buhay. Sapat na ang masahe, paglangoy sa pool (or in my case paglublob kasi di ako marunong lumangoy) at serving (or two) ng suman para magpahingalay.

CAMP TIPOLO ADVENTURELAND

Tayo Na Sa Antipolo

Maiksing trek mula sa Loreland ay matatagpuan ang Camp Tipolo Adventureland. Pinangalan mula sa punong tipolo na pinagmulan ng pangalan ng lungsod, ang Camp Tipolo ay isang lugar para sa pagsasagawa ng team building. Mayroon ditong obstacle course, Tarzan Jump atbp.

Tayo Na Sa Antipolo

Kung sa Luljetta’s ay nag-relax kami ng aking mga kapwa bloggers, sa Camp Tipolo ay naging competetive ang spirit pero di naman nawala ang camaraderie at friendship ng dalawang koponan. Yes, may dalawang koponan pong naglaban para sa bragging rights. Hindi ko na sasabihin kung sino ang nanalo pero, ehem, baka may mag-react pa.

HINULUGANG TAKTAK

Nakapag-side trip din ang aming grupo sa Hinulugang Taktak, ang popular na waterfalls na nabanggit sa liriko ng awit na “Tayo na sa Antipolo at doon maligo tayo, sa batis na kung tawagin ay Hi-hi…Hinlugang Taktak.”

Tayo Na Sa Antipolo

Pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan ng Antipolo at Department of Environment and Natural Resources ang Hinulugang Taktak na idineklara bilang isang protected landscape. Ang mga lokal na turista ay kailangan magbayad ng entrance na fee na P30.00, P15.00 naman ang mga estudyante at P100.00 para sa mga foreigner.

Tayo Na Sa Antipolo

Kung nais naman na gumamit ng swimming pool ay P50 per head samantalang ang renta ng mga cottages ay P500 per hour. May mga picnic table din na maaring upahan ng P50 per hour. Saglit lang kaming bumisita kaya picture taking lang ang aming nagawa. Ilan lang yan sa maraming atraksyon sa lungsod ng Antipolo. Hindi sapat ang dalawa o tatlong araw para mabisita ang magagandang tanawin dito pero kung may pagkakataon ay muli akong pupunta ng Antipolo upang makita ang iba pang hidden wonders ng siyudad.

Dati ang Antipolo ay nasa isip ko lang, nasa utak, alam ko kung nasaan pero hindi pa kilala ng lubusan. Ngayon ang Antipolo ay nasa puso na at muling babalikan. YOLO kaya I’ll see you again Antipolo.


Maraming salamat sa Bienvenido Tours lalong lalo na kay Ginoong Ramon Figurasin Mariñas para sa pagkakataon na makapamasyal sa Antipolo. Salamat din sa Filmico para sa awesome video ng aming tour. Hanggang sa muli. Ito si Tadonggeniuskuno and I, Thank you.

(Artwork by Rem Tanauan)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.