Black Mirror: Nosedive


Naka-ilang likes yung post mo ngayon sa Facebook? Yung pic ng breakfast mo sa Instagram? O yung tweet mo tungkol sa Jordan Clarkson  #NBAVote?

black-mirror-nose-dive-bryce

Paano kung yung mga likes sa social media ay magiging basehan kung maha-hire ka sa trabaho, kung makukuha mo yung last seat sa eroplano o di kaya naman ay maaaprub yung loan application mo?

Yan ang premise ng unang episode ng ikatlong season ng Black Mirror, isang satirical anthology series na may pagka-Twilight Zone ngunit nakapokus sa epekto ng modernong teknolohiya sa lipunan. Nakakatawa na nakakatakot dahil sa pwedeng mangyari ang mga scenariong pinapakita sa programa, ang ilan nga ay nangyayari na sa atin nang hindi natin namamalayan.

black-mirror-nosedive

Sa episode na Nosedive na isinulat ni Rashida Jones (Parks and Recreation) at Mike Schur (The Good Place) ay makikita natin si Lacie Pound (Ginampanan ni Bryce Dallas Howard, na kakambal yata ni Jessica Chastain) na nabubuhay sa isang mundo kung saan ang mga kaibigan at kahit estranghero ay maari kang bigyan ng popularity rating gawa ng teknolohiya na makikita sa mobile phone at contact lenses. Bawat makasalubong ni Lacie ay nadidisplay ang kasalukuyang rating ng indibidwal at vice versa. Lahat ng gagawin mo ay may kaakibat na score, hindi lang simpleng like. From 0-5 ang score at pag bumaba ka na sa 2.5 ay isa ka nang lower class citizen.

Obsess si Lacie na mapataas ang sarili niyang score (nasa 4.2 na siya) dahil sa gusto niyang lumipat sa Pelican Cove, isang planned community na may magagandang bahay para sa may magagandang buhay. The catch is, kailangan ng minimum na 4.5 na score para makuha niya ang 20% na discount para hindi siya magbayad ng sobrang mahal na renta.

Dahil nga sa nais niya na tumaas ang score niya ay tinanggap niya ang imbitasyon ng childhood friend niyang si Naomi na dumalo sa kasal nito. Mataas ang score ni Naomi kaya pag dumalo siya sa kasalan ay siguradong makikita siya ng mga bisita nito na pawang mga social influencer din.

And of course, dahil sa ito ay Black Mirror, Lacie will not get the popularity score that she is aiming for. Oops, spoiler, don’t worry, maraming mangyayari sa ating bida kaya panoorin nyo pa rin.

The pastel, picture perfect world of popularity scores portrayed in the series is happening in our Like obsessed age of social media. Although wala namang aktuwal na iskoring na nagaganap, ang social media presence natin at kung ano ang nais nating i-project na buhay ay deciding factor sa mga pinopost natin, Facebook man yan o Twitter, Instagram o Snapchat atbp.

The episode is satire but it shows a world we can all relate to. A reminder for all of us to focus on what really matters. What matters? Di ko na sasagutin dahil bawat isa sa atin ay may sagot tungkol dyan. Till my next rant. Peace and Stay Fresh.

Mapapanood ang Black Mirror sa Netflix.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s