Sobrang init ngayon, sabi ay umaabot daw sa 40 degrees o higit pa ang actual heat index. Tagaktak tuloy lagi ang pawis ko pag nasa bahay dahil wala naman kaming aircon. Kaya sinisipag akong pumasok sa opisina…hehe. Pag ganitong tag-araw ang masarap kainin ay ang haluhalo (hindi halo-halo ayon sa WIKApedia).
At pag sinabing haluhalo, isa lang ang naaalala ko at ito ay ang haluhalo ng Iceberg’s. Ang haluhalo na may corn flakes at peaches, soshal diba? Yan kasi ang lagi namin kinakain ni Mama dati noong nakatira pa kami sa Lungsod Quezon. Lingguhan ang sweldo sa pabrikang kung saan siya nagtatrabaho kaya pag kaya ng budget pagkatapos mag-grocery ay pumupunta kami sa food court ng mall at umoorder ng haluhalo ng Iceberg’s.
Marami na akong natikman na haluhalo ngunit ito pa rin yung binabalik-balikan ko. Pero marahil hindi yung lasa kundi yung halo-halong alaala na dala nito ang nais kong balikan. Yung panahon na simple lang ang buhay at hindi ko pa iniisip ang mga bayarin at iba pang obligasyon at problema na dala ng karampatang gulang o adulthood.
Till my next rant. Peace and Stay Fresh.
hmmm masubukan ko nga yan. ang alam ko pa lang na kakaibang halo-halo ay yung sa razons’
LikeLike