23 Kilometers, 5 Days, 1 Job


Tinatanong ako lagi ng mga kaibigan ko kung saan ako nagtatrabaho at ang lagi kong sagot ay, “Sa Maynila, dun sa Intramuros, mga 23 kilometro, bale isang sakay ng tricycle, isang jeep at isang bus at konting lakad mula Luneta bago ako makarating sa opisina. Madalas nilang reaksyon ay “Ang layo naman!” “Di ka napapagod?” “Parang estudyante ka lang noh?”

intramuros skyline

Tama naman sila, malayo, minsan ay napapagod na rin ako at iniisip ko na lang isa akong estudyante sa mga pamantasan na nasa loob ng makasaysayang Intramuros. Ngunit bakit ko nga ba ginagawa ito? Pwede naman na magtrabaho ako sa isang kumpanya na malapit lang dito sa amin. Bago nga pala ako napunta dito sa Intramuros ay sa isang opisina na dalawang sakay lang ng jeep mula sa amin ako nagtrabaho pero nagresign pa rin ako.

Sabi nga nila, cliche man kung iisipin, ang gusto lang naman natin ay maging masaya. Hindi kayang punan ng laki ng suweldo o iba pang benepisyo ang kasiyahan natin sa trabahong ating napili (Pero mas masaya siyempre kung malaki ang suweldo). At dito sa kasalukuyan kong trabaho ay nahanap ko ang kasiyahan na hindi ko nakita sa mga dati kong naging trabaho.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito pero ang masasabi ko lang ay masaya ako na nakakapaglingkod ako sa ating bayan sa munti kong paraan. Nope, hindi po ako pulitiko at wala akong ninanakaw sa kaban ng bayan. Tahimik lang kaming nagsisilbi sa bayan.

Till my next rant. Peace and Stay fresh.

PS. Paumanhin kung hindi ako madalas na makapag-blog, may kinalaman ang aking trabaho kaya nakakaligtaan ko na itong Tadonggeniuskuno. Mali po ang balita na busy ako sa paggawa ng loom bands.

3 thoughts on “23 Kilometers, 5 Days, 1 Job

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s