Let’s go to The Mind Museum


mind-museum-blogapalooza-blog-challenge

 

Sa nakaraang Blogapalooza ay nagbigay ng isang challenge para sa mga blogger ang The Mind Museum, ito ay ang magsulat ng isang blog post na sumasagot sa mga tanong na “What exhibit, gallery or experience in The Mind Museum will be a mind-blowing encounter?” at “Why would you want to go to The Mind Museum?

the mind museum logo

Malamang ay hindi na ako pasok sa unang dalawampung blogger na sumagot sa katanungang ito dahil sa medyo matagal na rin naman mula nang maganap ang Blogapalooza ngunit hayaan ninyo na ibigay ko ang aking tugon dito. Bata pa lang ako mahilig na ako agham at teknolohiya, hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin ang theme song ng SIneskwela at pangarap ko dati ang maging (in descending order) astronaut, archaeologist at veterinarian.

Kaya kung papipiliin ako kung ano ang ano sa palagay ko ang magiging mind blowing exhibit/experience dito, walang pag-aalinlangan na pipiliin ko ang The Story of the Universe: Its Beginning and Majesty. Gaya ng nasabi ko ay pangarap ko ang maging astronaut dati (kinder yata ako noong una ko itong maging pangarap) kaya ang anumang pagtatanghal na may kinalaman sa kalawakan ay magdadala pa rin ng pagkamangha sa akin kahit di na ako isang musmos.

Noong napanood ko nga ang pelikulang Gravity ni Sandra Bullock ay muling nanumbalik sa akin ang mithiin na makapunta sa kalawakan. Ang kalawakan na hanggang sa ngayon ay puno pa rin ng misteryo at patuloy pa rin tayong nagtatanong kung mayroon nga bang ibang nilalang na may buhay bukod sa atin na nasa planet Earth.

Sa tanong naman na bakit gusto kong makapunta sa The Mind Museum? I wanna feed my mind, wait, tag line yata yun ng isang network, pero tama, I still want to feed my mind. Marahil ay nasa panahon na tayo ng internet at social media at sa isang click lamang natin ay nariyan na ang impormasyon na ating hinahanap subalit iba pa rin ang karanasan na makapunta sa isang museo na gaya ng The Mind Museum.

I think it is a long shot that I will ever go to space someday but maybe the experience of going there through The Mind Museum is the closest thing and that I can be happy with.

How about you dear reader, Would you want to go to The Mind Museum?

the mind museum schedule and ticket price

Twitter: http://www.twitter.com/themindmuseum
Facebook: https://www.facebook.com/themindmuseum
Instagram: http://www.instagram.com/themindmuseum/
YouTube: http://www.youtube.com/themindmuseum/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s