Everybody’s free to eat kanin and other practical advice for the selfie generation


Paborito ko ang Everybody’s Free to Wear Sunscreen ni Baz Luhrmann na galing naman sa sa artikulo ni Mary Schmich na “Advice, like youth, probably just wasted on the young” na nalathala sa Chicago Tribune noong taong 1997.

Alam kong hindi ko mapapantayan ang mga payo ni Bb. Schmich subalit pipilitin kong makapagbigay ng munti kong mga pangaral sa abot ng aking makakaya.

Ladies and gentlemen of the class of 2013. (Oo tapos na ang graduation ng karamihan ng estudyante nitong nagdaang tag-araw pero meron pang mga Octoberian kaya pasok pa rin)

steamed rice                                                                           Photo by Tamago915

Eat kanin. 

The calming benefits of kanin has been proven by nutritionists whereas the rest of my advice is only based on my personal bias, hours of watching Pinoy teleseryes, The Morning Rush Top 10 and comfort room graffiti.

Again, eat kanin, sabi ng iba pampataba daw ang kanin pero wag mo silang pansinin. Magiging kalmado ka at makakamit mo ang nirvana sa isang tasa nito. Mas lalo na kung bahaw. Tingnan mo na lang si Beau Belga. Umorder ng extra rice kung kinakailangan. Ikaw ay nasa isang bansa na ang mga mamamayan ay kumakain ng kanin kaya wag kang mag-inarte at humingi sa nanay mo ng mashed potatoes with gravy. Hindi yan kapares ng sinigang.

Manood ng teleserye pero wag isipin na ang totoong buhay ay kagaya nito. Enough said.

Always wear clean underwear. You will never know kung kailan mangyayari ang isang emergency situation. Mabuti nang bago ang panloob para hindi nakakahiya kung dalhin ka sa ospital. Throw the baconized briefs in the trash bin. Now.

Walang masama kung tumanggi sa imbitasyon ng mga kaibigan paminsan-minsan. Maybe you have other plans. Maybe you do not feel like going out. Maybe you’re broke. Whatever the reason is, it is okay to say no.

Laging magdala ng barya kung mag-cocommute. Madalas sa hindi ay tatanungin ka ni manong konduktor ng “May tatlong piso po kayo?” Huwag siyang pandilatan. Ginagawa lang niya ang trabaho niya. It is for your own good. Huwag din mag-para sa hindi tamang hintuan. At lalong wag gawin na mag-para ilang metro lang ang layo sa huling hinintuan ng sinasakyan mo. Maglakad din pag may time.

Pag naliligaw, magtanong muna sa mga tao sa paligid bago baliktarin ang suot na damit. Lalo na kung naliligaw ka lang naman sa mall at hindi mo makita ang exit malapit sa sakayan ng dyip. Huwag agad isipin na namatanda ka, baka memory gap lang yan.

Bago mag-share ng post at tweet sa mga friends at followers mo, i-check muna kung totoo nga ito. Halimbawa yung mga post na gaya ng may wax sa instant noodles, chemical color coding sa toothpaste, baby food na may bubog atbp. Makakatulong ang Snopes at Hoax-Slayer para malaman ang katotohanan. Wag agad magpauto. Walang masama sa pagiging skeptic.

Travel. Hindi kailangan na pumunta ka sa exotic na lugar na gaya ng Maldives o Seychelles. Malamang ay di pa kaya ng budget mo yung ganun. Kahit sa Pansol o Binangonan ay okay lang. Ang mahalaga ay may nakita kang ibang tanawin bukod sa apat na sulok ng kwarto mo.

Okay lang maging malungkot pero wag araw-arawin. Nakakapagod din yan sabi nga ni Tita Winnie Cordero. Smile. Brush your teeth. Open up your heart and let the sunshine in.

Kumain ng gulay at prutas. Maliban sa healthy ay mas mapapadali ang session mo sa comfort room. Remember the word: FIBER.

Learn a sport. You do not have to play what the others are playing. Pwedeng toe wrestling o curling. Search mo totoo yan.

The world is filled with hate, natural disasters, liars and twerking starlets but do not let them get to you. The last thing you need to become is a cynical dude filled with repressed anger and questions on what might have happened if you had answered question no. 69 on the true or false, right minus wrong exam that was given by your professor who only showed up twice in your class. Move on. It is also good for your health.

Madami pa akong ibang payo subalit alam kong maglalaro ka pa ng Plants Vs Zombies kaya di na kita iistorbohin. Sana ay may napulot ka sa aking words of wisdom.

Muli, trust me on the kanin.

Till my next rant. Peace and Stay fresh.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s