Postscript: Ang Bagyong Yolanda at ang Eastern Visayas


eastern visayas

Madalas ikwento ni Mama na pag may dumarating daw kaming kamag-anak galing Samar at sinasabihan ako na umuwi na ako doon, ang sinasabi ko daw ay “Ayoko po, walang kanin dun.” Taong 1985 nang nilisan namin ni Mama ang aming mahirap na bayan para tunguhin ang Maynila upang maghanap ng magandang kapalaran. Lumipas ang mahigit dalawang dekada subalit halos wala pa ring ipinagbago ang aming probinsya at ang buong rehiyon ng Eastern Visayas.

Sa nagdaang datos na inilabas ng pamahalaan ay ikatlo ang Eastern Visayas sa pinakamahirap na rehiyon sa buong bansa. Ang kawalan ng oportunidad at pangkabuhayan ay naging dahilan para magpunta sa Maynila, mga karatig na lalawigan at sa ibang bansa ang mga residente para maitaguyod ang kanilang pamilya. Idagdag pa ang kultura ng korupsyon at ngayon ang hagupit ng nagdaang kalamidad, mahihirapan na muling makabangon ang isang rehiyon na matagal nang nalugmok sa karukhaan.

Kailangang matulungan ang lahat ng biktima kasabay ng muling pagsasaayos ng mga istrukturang sinira ng bagyo ngunit matapos ang lahat ng ito ay lilipas muli ang mga taon at muling makakalimutan ng pamahalaan at ng mga tao ang rehiyong naging sentro ng isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan. Maliban sa pagpapalakas ng paghahanda sa mga darating na iba pang kalamidad sana ay magkaroon ng konkretong programa ang pamahalaan upang matulungan ang mga mamamayan sa pangmatagalan. Nang sa gayon ay hindi na sila muli pang lumisan sa kanilang bayan na tinawag nilang tahanan at lagi ng may kanin sa hapag kainan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s