Madam Chairman


madam-chairman-sharon-cuneta-tv5Ang Pinoy primetime TV sa kasalukuyan ay punong puno ng drama, drama at walang katapusang drama. Araw-araw ay ilang balde ng luha ang iniiyak ng mga bida upang mang-engganyo ng manonood para sa mataas na rating at advertising revenue. Kasabay nito ay ang kung anu-anong plot twist para mapahaba ang kwento o din naman kaya ay para gulatin ang mga televiewers.

Nitong nagdaang Lunes ay nagsimula nang umere ang bagong dramedy ng TV 5 na Madam Chairman na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta. Tungkol ito sa buhay ni Elizabeth “Bebeth” De Guzman na naging barangay chairman dahil sa namatay ang dating kapitan at sa magulo, masalimuot ngunit masaya niyang buhay bilang ina, asawa (dating asawa?) kaibigan at pinuno ng Brgy. Sta Clara.

madam-chairman-sharon-cuneta-tv5-1

Napanood ko ang ilang episodes nito at hindi ako nahihiyang sabihin na nagustuhan ko ito. Pakiramdam ko nga ay pinapanood ko lang ang mga nasa barangay namin at kilala ko ang mga karakter dito. Mabilis ang pacing ng kuwento, mahusay ang direksyon ni Direk Joel Lamangan at ang iskrip na galing sa malikot na imahinasyon ni Direk Joey Reyes.

Credit: JoAnn Cabalda Bañaga

Credit: JoAnn Cabalda Bañaga

Saktong sakto si Jay Manalo sa kanyang papel bilang si Dodong, ang babaerong asawa ni Bebeth na akala niya ay nasa Dubai na yun pala ay nasa kabilang barangay kasama ang kanyang kulasisi na si Beverly (ginampanan ni Regine Angeles). Ang trio tagapayo naman ni Bebeth na sina Malou De Guzman bilang Cita (ang relihiyosa), Manny Castañeda bilang Hermes (obsess sa basketball players) at Glenda Kennedy bilang Mercy (unsolicited adviser) ay mahusay na kabatuhan ng linya ni Madam Chairman. Mabuti at nabigyan muli ng proyekto si Bayani Agbayani dahil matagal din siyang nabakante. Siya ang kontrabidang si Jojo na manugang ng yumaong kapitan de barangay. Nakakatuwa din ang karakter ni Ciara Sotto bilang bestfriend ni Bebeth na medyo mabagal magsalita.

Kasama din dito sina Akihiro Blanco (ang maangas na anak ni Madam Chairman na binugbog ng mga tomboy), Shaira Mae (anak din niya na medyo may kaartehan sa katawan at laging bukambibig ang “eww” at “OMG”), Fanny Serrano, Nanette Inventor, Tony Mabesa, Patani Dano, Afi Africa (up and coming character actor na gumaganap bilang barangay secretary at in demand na best friend ng bida sa mga teleserye, personal kong kilala dahil kasama ko dati sa ROTC) at marami pang iba.

Isang season lamang daw ang airing ng programa at sa tingin ko naman ay sapat na ito upang maipakita ang buhay ni Bebeth at ng mga taga Brgy. Sta Clara. Pag na-extend pa ito ay baka bumaba na ang kalidad at baka maging Madam Mayor, Madam Senator or Madam President na si Bebeth De Guzman. Which is not actually a bad idea if done right.

Maikukumpara ko ang programang ito sa Arriba Arriba ng ABS-CBN na umere noong taong 2000 (Tama ba?). Light at di masyadong nakaka-stress. Matapos ang maghapon na pagtatrabaho at pag-commute galing ng opisina ay masarap manood ng programa na di pasasakitin ang ulo mo at di ka paiiyakin dahil sa problema ng mga fictional characters nila.

Kudos TV 5. Iilan lang ang mga pinapanood ko sa inyong channel at sana ay madagdagan pa.

Madam Chairman airs from Monday-Friday at 7:30PM on TV 5

Till my next post peeps. Peace and Stay Fresh.🙂

PS: Dahil sa programa ay paborito ko na ang theme song nito na inawit ni Florante at komposisyon ni Gary Granada. Nanalo ito ng 2nd prize sa Metropop noong 1981.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s