FYI: Ang Quezon Bridge ay hindi isang comfort room


WTMP Pangkat A-24-1

By Stephanie Azarias & Alexander Olpindo (Wikipedia Takes Manila participant) via Wikimedia Commons

Kung nagpupunta ka sa Quiapo ay siguradong nakadaan ka na sa tulay na ito. Nag-uugnay sa Intramuros at Quiapo at nasa ibabaw ng Ilog Pasig, ang Quezon Bridge ay isang makasaysayang tulay ng Maynila.

Unang tinawag na Puente de Claveria (mula sa pangalan ng dating gubernador heneral na si Narciso Claveria, siya rin ang naglabas ng Catálogo alfabético de apellidos sa Filipinas) na naging Puente Colgante, ito ang sinasabing kaunaunahang suspension bridge hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong Timog Silangang Asya (ManilaHub). Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang suspension bridge ay naging steel bridge at ipinangalan sa dating Pangulong Manuel Luis Quezon.

Quezon Bridge 2

By Edgar Dann Alcantara, Sheena Thea Alcantara, Sheera Thea Alcantara (Wikipedia Takes Manila participant) via Wikimedia Commons

Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon ni MLQ (feeling close?) kung makikita niya ang kasalukuyang kalagayan nito. Maayos pa rin naman ang tulay dahil nga sa gawa ito sa bakal subalit ibang senaryo kapag sinubukan mong maglakad sa tulay. Ginawa na kasi itong palikuran ng ilan nating kababayan kaya amoy na amoy at kitang kita mo ang naiiwang bakas ng mga taong nag “May I go out” sa kahabaan nito.

Sana lang ay may magawa ang DPWH, MMDA o ang Lungsod ng Maynila (Paging, Mayor Erap), kung sino man sa kanila ang naatasan para mawala ang kahindik hindik na na amoy at imahe sa makasaysayang tulay na ito.

Crossing the bridge to get there, wherever that “there” is would not be a horrendous experience when it happens but until then I’ll just ride the jeepney my friends.

Till my next rant. Peace and Stay Fresh peeps.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s