First Day High: Unang araw sa eskwela at iba pang alaala ng nakalipas


Naaalala mo pa ba ang unang araw mo sa paaralan? Excited ka ba noon o kinakabahan?

tadonggeniuskuno-elementary-pic

First Grade Class Picture

I remember my first day in Kindergarten or should I say my first week, wala akong ginawa noon kundi bumulahaw ng iyak at tawagin si Mama para i-rescue ako mula inaakala kong gates of hell. Mabuti na lang at di pa uso ang Facebook, YouTube at Instagram, kundi ay nalaman ng lahat kung paano ako ngumawa. Makalipas ang ilang araw ay naka-move on na rin ako at masaya nang nakihalubilo sa aking mga kamag-aral (Sila na lang pala ang di ko nakaka-reunion).

By D. Sharon Pruitt from Hill Air Force Base, Utah, USA (Wikimedia Commons)

Hindi ko matandaan yung unang araw ko sa elementarya, pero naisulat ko na dati ang aking grade skul nostalgia. It was the best of times, it was the worst of times, it was the age of wisdom, it was the age of foolishness, it was the epoch of belief, it was the epoch of incredulity, it was the season of Light, it was the season of Darkness, it was the spring of hope, it was the winter of despair, we had everything before us, we had nothing before us…oops, did I just quote Charles Dickens? Lumipat ako ng paaralan noong ika-anim na baytang kaya di ko nakasamang magtapos ang mga dabarkads ko sa mababang paaralan. Dun ko rin naranasan ang mga-cutting classes, hindi dahil sa gusto ko lang kundi dahil sa wala yung adviser namin at pinapasali kami sa kabilang section. Ayoko nga, I don’t know them eh.

*****

high-school-life

Ibang kuwento ang high school, isang taon akong tambay dahil nahuli ako sa enrollment, kaya nung pumasok ako bilang freshman ay nakita ko yung klasmeyt ko noong ika-anim na baytang na sophomore na. Hindi naman niya ako binati o kinamusta. Oh well, di rin siguro kami ganun ka-close. Ako yung resident geek at heckler/court jester ng batch namin. Nadala ko pa rin yung pagiging iyakin at lalo akong naging bano sa Math. Kung ibinase lang sa x+y – the speed of light/the velocity of sound  ang requirement para grumadweyt ng hayskul malamang ay nasa row 4 pa rin ako ngayon at ngumunguya ng bubble gum.

*****

Fast forward to college. Sa awa ng Maykapal ay nakapasa ako sa isang pampublikong unibersidad ng bansang Pilipinas. Mababa ang tuition fee (Dose pesos lang kada unit) at kumuha ako ng kurso sa pamamahayag (Political Science o Advertising sana yung kukunin kaso wala pang enrolling officer noong dumating ako (First day of enrollment at as usual ay sobrang aga ko) kaya doon na lang ako sa MassCom. Ang bilis kong mag-desisyon noh?

casa manila

Dumating ang first day of college, naka-slacks pa ako at polo, parang may job interview lang. Pumunta ako sa main building, Room 113, kaso walang tao. Hmm, parang may mali. Makaraan ang ilang minuto ay nagtanong ako kay manong guard kung tama ba yung kuwartong napuntahan ko. Tama yung numero ng kuwarto subalit hindi pala sa main building kundi sa MassCom building yung klase ko. Tengene, ayun no choice kundi mag-pedicab (sayang yung pinamasahe ko, pang-meryenda ko pa naman sana yun).

Nakatapos ako ng kolehiyo tatlong taon matapos na mag-martsa ang aking mga ka-batch. Dala rin kasi ng katigasan ng ulo, nag-drop ako ng PE at INC yung nakuha kong grado sa Philosophy kaya nahuli ako sa aking mga kaklase (tumigil pa ako para mag-trabaho). Wag nyo akong gayahin kung kayo ay nag-aaral pa. Hindi ako magandang halimbawa.

And that, my dear readers are some of my campus memories. Back to school na sa Lunes, mag-aral ng mabuti and don’t forget to have fun. Dahil pag nagtrabaho na kayo at nabubuwisit kayo sa ginagawa nyo ay iisipin nyo na lang na di pala ganun kalaking problema yung wala kang maipapasang project at yung may taghiyawat ka sa ilong kaya ayaw mong pumasok.

Till my next rant. Peace and Stay Fresh.

Advertisement

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.