Smartphone Photography Workshop Sunday


Kahapon ay dumalo ako sa libreng Smartphone Photography Workshop na ibinigay ng Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) sa Intramuros, Manila. Wala rin naman akong gagawin na importante at siyempre libre eh, bihira na lang ang libre sa ngayon kaya di ko na pinalamapas. Dahil nga sa uso na ang cellphone na may camera at maikukumpara na rin sa mga point and shoot camera ang kalidad ng mga larawan na kuha nito ay nagbigay nga ng libreng pagsasanay para sa mga mahilig kumuha ng larawan na gaya ko.

fppf-smartphone-photography-workshop-2

May limitasyon ang photography sa smartphone kumpara sa tradisyonal na kamera. Fixed lens lamang ang gamit nito bagamat mayroon na ngang mga lente na sadyang ginawa para dito. Mahina rin pagdating sa low light at ang flash nito ay extended LED light lamang at di hamak na mas maganda pa rin ang flash ng tradisyonal na kamera. Si Ginoong Chris Malinao at Vic Sison nga pala ang nagturo sa amin at itinaguyod ng SanDisk ang maghapong pagsasanay.

Heto nga pala ang ilan sa mga larawan na kuha ng aking Cherry Mobile Flare. Sayang nga at di pinalad na manalo kahapon pero ayus lang masaya naman at may natutunan akong bago bukod sa pagkakaroon ng mga bagong kaibigan.

fppf-workshop fppf-workshop-2 fppf-workshop-3 fppf-workshop-4 fppf-workshop-5 fppf-workshop-6 fppf-workshop-7 fppf-workshop-8 fppf-workshop-9 fppf-workshop-10

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s