Dear Nancy Binay


Una sa lahat ay binabati kita ng magandanga umaga. Nakapag-kape ka na ba? Pasensya na feeling close lang talaga ako.

nancy-binayMadami na ang nagbigay ng opinyon tungkol sa pagtakbo mo. Ang kakulangan mo sa kwalipikasyon, pagiging bagito sa pulitika, pagiging halimbawa mo ng isang BIMPO o Batang Itinulak ng Magulang sa Pulitika. Lahat ng ito ay nabasa ko na kaya hindi ko na dadagdagan pa. Pati nga si Vice Ganda ay nagbigay ng kanyang unkabogable statements tungkol sa’yo at sino nga naman ba ako para buyuin pa ang sambayanan na huwag kang iboto o iboto ka dahil sa mga mababasa nilang opinyon ko. (Read: ISANG BOTO KA LANG!”)

Sa Lunes ay araw na ng halalan at base sa mga survey ay sigurado na ang iyong panalo, unless an event of cataclysmic proportions shall happen on election day, which is very unlikely, you are bound to become one of the Senators (senay-tors as Ted Failon would say) of this land. You will finally get a chance to engage in debates which you have avoided during the campaign period and be the “Nanay De Pamilya ng Senado.”

nancy-binay-instagram-pic

Hindi kita iboboto subalit dahil sa mapait na katotohanan na marami ang magdedesisyon na ikaw ang ihalal ay ito na lamang ang aking sasabihin: I Hope You Prove To Us That We Were All Wrong. Sana ay mali kami ng sapantaha, sana ay nagkamali kami sa aming mga opinyon. Sana sa gugugulin mong panahon sa Senado ay makagawa ka ng mga batas na tunay na magpapabago ng buhay ng mga mamamayan. Dahil kung tama nga kaming di naniniwala sa iyong kakayahan ay hindi rin kami lubos na matutuwa. Kawawa ang Pilipinas, ang ating Inang Bayan (Advance Happy Mother’s Day nga pala). 

Ang eleksyon ay simbolo ng ating demokrasya. By proving us all wrong, you shall prove to us that democracy is doing it’s job. 

Respectfully yours,

Tadonggeniuskuno

PS. Congrats, Ekew ne telege, neseye ne eng lehet.

6 thoughts on “Dear Nancy Binay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s