Holy Week Memories


It’s another Holy Week dear readers. Wala na namang trapik sa mga lansangan ng Metro Manila at wala munang bangayan ng mga pulitiko at artista sa telebisyon dahil puro mga palabas na may kinalaman sa banal na linggong ito ang mapapanood natin. Pero di gaya ng mga nagdaang taon kung saan total shutdown ang Kamaynilaan, ngayon ay may Internet, cable TV at mga smartphone (4 Pics 1 Word!!!) na pwedeng pagkaabalahan.

Let me walk down memory lane and remember the Holy Week of years gone by.

rolandcorpuz.multiply.com

rolandcorpuz.multiply.com

1. Dahil walang pasok at mainit ang panahon ay pumupunta kami sa pinsan nila Mama sa Naic, Cavite. Nasa tabing dagat yung bahay nila kaya libre ang swimming. Maraming tao at hindi Boracay quality yung buhangin pero masaya kaming lahat dahil malapit lang naman at did I just say na LIBRE?

7th-heaven

2. Pinapanood ko yung 7th Heaven marathon sa Studio 23. Dun ko unang nakita ang kagandahan ni Jessica Biel bago pa siya nakilala ni Justin Timberlake. Pinangarap ko tuloy na maging isang Camden o kahit maging bisita lang sa bahay nila. Naaalala ko pa yung opening credits lalo na yung aso nilang si Happy.

insiang

3. Kung hindi 7th Heaven ay mga klasik na Pinoy movies ang palabas. Sorry, hindi mga pelikula ni Wenn Deramas. Mga gawa ni Lino Brocka (Maynila sa Kuko ng Liwanag, Insiang), Mike de Leon (Itim), Lupita Kashiwahara (Minsan May Isang Gamu-gamo) etc. Bakit nga ba pag mahal na araw lang pinapalabas ang mga ganitong obra?

By Slave Unit (Flickr)

By Slave Unit (Flickr)

4. Bawal ang pork kaya ang ulam namin ay isda at gulay. Madalas ay ginataang tulingan o di naman kaya ay daing na galunggong na may kapares na toyo’t kamatis. Yum, yum, yum.🙂

Michael Gäbler [CC-BY-3.0], via Wikimedia Commons

Michael Gäbler [CC-BY-3.0], via Wikimedia Commons

5. Bawal maligo pagdating ng alas tres ng hapon ng Biyernes Santo dahil patay daw si Hesukristo. Hindi ko maintindihan noon kung bakit kaya naliligo na lang ako ng mga 2:30. Pero hindi rin ganun kalaking problema dahil noon kahit amoy araw na ako ay naiinis ako pag pinapaligo ako dahil naiistorbo yung paglalaro namin ng patintero at mataya-taya.

May iba pa akong alaala sa Mahal na Araw pero sa ibang pagkakataon na lang. Kayo dear readers ano ang inyong Holy Week Memories?

Till my next rant. Peace and Stay Fresh this Lenten Season.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s