The Anti-Social Climber FB Friend Checklist


Dahil kumakalat sa Facebook ang Social climber FB friend check list, naisip ko na dapat may pantapat naman ang tulad nating simpleng tao. So here’s my list. Feel free to add yours dear readers. Walang personalan, just for fun lang mga kaibigan.

combo-meal-student-meal-carinderia
1. Hindi niya nakakalimutang mag “check in” pag nasa pang-masang lugar siya gaya ng Divisoria, Raon, Malibay at sa mga malls at establishments gaya ng Liana’s Supermarket, Metropole Department Store Avenida, Starmall Alabang, Marketplace Mandaluyong atbp.

2. Nagpapa-picture siya katabi ng Nescafe vendo machine habang umiinom ng capuccino na nasa paper cup.

3. Palaging may picture ang kanyang transistor radio na may nakalagay na pic ng artista, desk fan at oven toaster na napanalunan niya sa raffle noong Christmas Party sa opisina.

4. Nagpu-post siya ng status na “Here in the talipapa buying GG and talbos ng kamote from my suking tindera”

5. Nag-upload siya ng pic ng order niyang 39ers ng Jollibee na naka-upgrade sa large yung drinks kaya ibang level yun.

6. Kailangan mag-thank you kahit ang naibigay lang sa kanya ay isang piraso ng Chocnut.Β 

7. Hindi pwedeng makalimutan ang magpa picture pag kumain ng combo/student meal sa carinderia.

8. Kahit Taglish ang shout out ramdam mo pa rin ang pagiging masa niya, ” It was so fun to hang out with you mga katropa. Till next time, dun naman tayo sa Tayuman para masaya.”

Kung isa kang ganito, stand tall, be proud and may the odds be always in your favour. At kung ikaw naman ang tinutukoy nung checklist sa FB, smile and just say “Walang basagan ng trip” (di ko alam i-Taglish eh)πŸ™‚

6 thoughts on “The Anti-Social Climber FB Friend Checklist

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s