My Mother’s Love Letters – Part 2


love letter is a romantic way to express feelings of love in written form. Whether delivered by hand, mail, carrier pigeon, e-mail, tweet, or romantically left in a secret location, the letter may be anything from a short and simple message of love to a lengthy explanation of feelings. Love letters may ‘move through the widest range of emotions – devotion, disappointment, grief and indignation, self-confidence, ambition, impatience, self-reproach and resignation.

Source: Wikipedia

Ika-anim ng Agosto, taong 2011 nang una kong i-post ang isang lumang love letter para sa aking ina na sinulat ng isang lihim niyang tagahanga (Read: My Mother’s Love Letter – Part 1) at may ilang tagasubaybay na nagtanong kung kailan ko ipu-post yung isa pang liham. Hindi pa naman ako naipakulong ni ermat (buti na lang at di siya ganun ka-techie) kaya ito na ang ang long overdue at much awaited na sequel ng una kong post.

Hindi ko alam kung kaya kung magsulat ng ganitong liham, I’m not really the mushy type but who know’s maybe someone out there can make me write like Rudy, the guy who wrote this love letter. So without further adieu, read on and tell me what you feel after reading this. (Paumanhin sa grammatical errors, di ko na binago baka kasi mawala ang  essence nung sulat. Hehehe)

12 OCT. 78
1900 HRS
SEND W/A KISS

Darling Ritz,

How’s my sweetheart here by this time? Hope you’re in good condition, for me, still have a big problem. I’ve got your letter on 25th day of Sept. and I’m very sorry about the matters that been happened to us. Alam kong nasaktan kita sa takdang araw ng aking pag-alis, dahil nagawa ko pang magsinungaling sa iyo. Pls. darling try to understand me, it’s only because of my problem that I want to be solved, and you know it already, di ba? And don’t ever think that once we’ve already gone on both for places, it means that our “LUV AFFAIR” will no longer be.

Film Still (Ligaw Liham, 2007)

Karylle (Ligaw Liham, 2007)

Of course not, and telling you frankly, I’ll miss you so much and there’s no reason why I miss ypou. coz I LUV YOU, I’LL DEEPLY in LOVE W/YOU. I’LL NEED YOU and I”LL MARRY YOU “BYE AND BYE” Alam mo Ritz, there’s something happen wrong about my journey, specially when I’ve planning to go back here in Manila. Ganito ang nangyari sa akin, may nakilala akong “coastguard” dito sa Tacloban City at nangako siyang tutulungan akomaka-apprentice sa barko. Dahil interesado ako sumama ako sa kanya at kami ay nag via Ormoc papuntang Cebu. Sa malas naman kami ay inabutan ng bagyo sa Ormoc City kaya na-delay ang biyahe namin papuntang Cebu. Malaki ang gasto ko rito sa Ormoc dahil tatlong araw kaming nag-board sa isang hotel at hindi ko alam sa katagalan ay iniwanan ako ng tarantadong coastguard na yun. Kaya iuto na naman akong lalong bumigat ang problema, lalo na ang tungkol sa aking lola na binigyan ako ng pera at naubos lang ng walang kadahilanan, Alam mo Ritz, naka-abot ako ng Cebu City upang bumalik dito sa Maynila ng wala sa oras dahil wala akong mukhang ihaharap sa aking magulang at lalo na sa aking mga kaibigan, at kung alam ko lang na nandito ka malamang na dito ang punta ko sa inyo.

love-letter

Kaya Ritz, hindi ko maiali sa akin isipan na balang araw ang pag-ibig ko ay magiging walang halaga sa iyo , dahil ma-i-isip mo na pana’y na lang problema ang inaatupag ko. “Oo”, inaamin ko na ako ang taong palaging malaki ang problema na kung tutuusin talagang nagkakaproblema na rin ako sa iyo at dahil sa laki ng pag-ibig ko sa iyo, iyon din ang kinatatakutan ko kung biglang mawawala ka sa piling ko na alam kong lalo lamang magiging sira ang ulo ko. Ritz, kung talagang mahal na mahal mo ako mo ako, sana’y unawain mo ako. At kung balak mong pumunta rito nasa iyo ang pagpa-pasiya, ngunit pina-uunahan na kita, na wala akong pera at wala akong ganang pumasok sa trabaho maliban sa aking profession, na iyon ang dahilan na halos ang buong Maynila ay maikot ko.

Karylle (Ligaw Liham, 2007)

Karylle (Ligaw Liham, 2007)

Alam mo Ritz, nanghihinayang talaga ako sa two thousand fifty na bigay sa akin ng lola ko, at kung bakit naman niloko lang ako ng isang tao na kung minsan naiisip ko na lang maari sana ang balak kong pumunta dito sa inyo upang maghanap ng pera na panlagay ko, nang sa gayon matupad na ang ambisyon ko at walang maghinanakit sa akin lalo na ikaw Ritz, “sayang… talagang sayang na sayang kung kailan pang malapit na Pasko’y saka pa tayo magkakalay,” but don’t feel sad sweet heart; first only think and remember that I’m really in love with you, so, there’s no doubt. Only I’ll greet you a Merry Christmas in advance. Bah!!! Pahaba ng pahaba ata ang istorya. Hanggang sa muli “SWEET HEART” at uulitin ko na mahal kita…

“SO LONG…SWEET HEART”
“SO LONG…and goodbye…”

Luv w/ care,
RUDY

Note: Huwag ipabasa sa kahit kanino
Nakakadiyahe, pls. lang ha?
Hey!!! pahingi ng picture mo, pwede ba?

Sweetheart,
The moments I spend with you are not truly spent and gone…they each live happily on within my heart…

SAIL ON, MAN
MAN,
YOUR STRUGGLE NOW IS OVER
YOUR SHIP HAS STOOD THE STORM
BUT MAN DON’T JUST WAIT ON THE SHORE
GET UP, MAN
SAIL ON, MAN…SAIL ON…

PLS. TRY TO UNDERSTAND THIS “SWEETHEART”… (It’s me again)

1225 PEPIN ST. SAMPALOC MANILA

6 thoughts on “My Mother’s Love Letters – Part 2

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s