Babaeng tumatawid sa tamang tawiran sa Pasig, naputulan ng paa #GMANews


gma-news-24-oras-screen-grab

Ang sabi nila pag sumunod ka sa mga panuntunan ay walang mangyayari sa iyong masama at malalayo ka sa kapahamakan. Pero kabaliktaran ang nangyari sa isang babae sa Pasig na tumawid sa pedestrian lane ngunit nasagasaan ng isang rumaragasang tricycle at nagulungan pa ng isang container van. Naiulat ang pangyayari ng reporter na si Emil Sumangil ng GMA News.

Ang bikitma na si Marivic Carlitos ay  naputulan ng kanang paa. Mananahi si Aling Marivic kaya problemado siya kung paano pa niya maipagpapatuloy ang kanyang hanapbuhay. Sa ngayon ay nananawagan siya sa mga may magandang loob na maaring makatulong sa kanya.

Nakakalungkot dahil sumunod siya sa batas trapiko pero ganito pa ang inabot niya. Tsk, tsk, dapat na rin bang maglagay ng babala sa pedestrian lane na PWEDENG TUMAWID DITO, PWEDE KA RING MAAKSIDENTE O MAMATAY. (Ped Xing, Ped Dead)

Till my next rant. Peace and Stay Fresh.

3 thoughts on “Babaeng tumatawid sa tamang tawiran sa Pasig, naputulan ng paa #GMANews

  1. Kawindang naman ito. =( Naiinis nga ako sa mga ibang driver na parang hindi alam kung ano ang pedestrian lane. Kahit may tatawid, dire-diretso pa rin at hindi nagso-soslow down. Tsk, tsk, tsk.

  2. Hindi mo na lang talaga alam kung saan ka lulugar. Maglalakad ka sa tamang sidewalk na madilim, mahoholdap ka naman. Mag-ooverpass ka para iwas jaywalking, maii-snatch naman ang hikaw mo. Magkokotse ka na lang para mas safe, carnap naman aabutin mo. Karimarimarim.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s