Ngayon ay tarpaulin na ang uso sa mga billboard pero dati ay iginuguhit lang ng mga talentadong Pinoy na pintor ang mga billboard (paskilan sa Filipino ayon sa Google translate) ng mga pelikula. Minsan ay hindi kamukha ng mga artista ang lumalabas pero nakakaaliw pa rin pagmasdan.
Sa ngayon ay makikita mo na lamang ang mga ganito sa Quiapo, Recto, Avenida at Cubao. Sa mga lumang sinehan na napag-iwanan na ng panahon at pugad na lang ng mga parokyanong hindi na ang panonood ng pelikula ang pakay.
Ano na kaya ang pinagkakaabalahan ng mga dating gumagawa ng mga ganitong billboard? Do you miss this dear readers? 🙂
kinunan mo lang yung magazine? walang online version to ser?
LikeLike
Ini-scan ko lang yung magasin dito sa opis eh…
LikeLike
ah ok. may article tungkol sa mga artist ng mga dating movie ‘posters’.
LikeLike
Iba pa rin ang dating ng old school movie billboards! Mas maangas.
LikeLike
Tama ka dyan…salamat sa pagbisita jellyjill 🙂
LikeLike