Random Facts About Me


Dahil uso ang ganitong post ay makikiuso na rin ako. Heto ang ilang kagilagilalas, kahindik-hindik at nakakabilib na mga impomasyon tungkol sa inyong lingkod. Sana ay hindi magbago ang inyong pagtingin sa akin pagkatapos ninyong mabasa ang blog post na ito.

atlas

  • Christmas 1995, wish ko magkaroon ng atlas. Hindi ko alam kung bakit yun ang gusto ko dati pero siguro dahil gusto kong maglakbay sa malalayong lupain. Habang ang ibang bata ay nagnais ng laruan ako naman ay nangarap lang na magkaroon ng libro ng mga mapa.
  • First two weeks nung kindergarten ay umiiyak ako pag hindi ko nakikita ang nanay ko na nasa labas lang ng classroom namin. Hindi naman gaya ng ibang bata na gusto katabi yung nanay nila, gusto ko lang na di siya mawala sa paningin ko. Wala lang siguro akong tiwala sa teacher namin.
  • Ang unang pelikulang pinanood ko na mag-isa ay yung ” Pagemaster” ni Macaulay Culkin. Kuwentahin nyo na yung edad ko. Hehehe

  • Na-publish yung isa kong essay sa PM (Pang-Masa), sister publication ng Pilipino Star Ngayon pero di ko nakita yung aktuwal na kopya. Nalaman ko lang nung nag-email yung editor sa akin. Hanggang ngayon ay di ko pa kinukuha yung bayad para dun.
  • Pag bahaw yung kanin at pritong galunggong ang ulam ay sinasabawan ko yung kanin ng kape, kung walang kape ay Milo. Weird ba yun?
  • Ngayon ko lang na-appreciate yung Bavarian Kreme Donut. May pagka-uhog kasi yung filling kaya di ko yun kinakain dati. 

By Asdino (Own work) Wikimedia Commons

  • Kung okra na lang ang natitirang gulay sa mundo malamang hindi ako maging vegetarian. Sorry okra lovers.  
Okra (Abelmoschus esculentus) cross-section - 20080613

By Jmprouty. (Own work.) [CC-BY-SA-3.0

  • Wala kaming orasan sa bahay at kung meron man ay laging nawawalan ng baterya kaya sa channel 9 ako umaasa para malaman ko ang Philippine Standard Time.

rpn-9

  • May munti akong sari-sari store sa opisina. Pambawi sa araw-araw na pamasahe. Pero ang pangarap ko talaga ay magtayo ng restawran. Pwede na rin ang karinderya. 
  • Nakasalubong ko dati si Ala Paredes sa SM Megamall. Hindi ko yun makakalimutan.🙂
  • Pag sumasakay ako ng dyip kailangan sa harap ako nakaupo at mas gusto ko na sakto yung ibabayad kong pamasahe. Pwede rin naman na sa likod pero mas gusto ko lang sa harap. OC ba tawag dun?

 

jeepney-cebu-philippines

A jeepney waiting to leave at Carbon Market in downtown Cebu City in the Philippines Picture taken by Magalhães on 23rd of March 2006

  • Kinabisado ko dati yung lahat ng host city sa Olympics, yung sa Summer Olympics lang ah. Sample? 1896 Athens, 1900 Paris, 1904 St. Louis, 1908 London…stop. You do get it by now, right? Hindi ko rin alam kung bakit ko kinabisado yun, kasama yan sa mga “Just In Case” folder ng aking cerebrum.

That’s all for now. Till my next rant. Peace and stay fresh dear readers.🙂

4 thoughts on “Random Facts About Me

  1. hahaha! naka-relate po ako sa bavarian. yun din ang tingin ko nung batang musmos pa lang ako e. parang di ko maatim kaiinin nun dahil di naman ako uhuging bata. Hihihi. pero ngayong tumanda-tanda na ako ng konti (naks..), strawberry-filled donuts na lang ang hindi ko gusto. haha.

    at isa pa pala yung oras sa channel 9. pag tumitigil ang wall clock namin, dun ko nililipat para maisabay pag sinet na ang orasan namin. Hahaha.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s