Ded na si Lolong (World’s largest crocodile in captivity dies)


Isang malungkot na araw para sa mga crocs sa mundo, ang pinakamalaking nabihag na crocodile na si Lolong ay pumanaw na kagabi sa oras na 8:05 PM (Ayon sa report ng Interaksyon, 8:12 naman ang sabi ni Mayor Edwin Elorde sa panayam ng ANC). Wala pang detalye kung ano ang dahilan ng kanyang pagpanaw pero palagay ko ay may kinalaman ang stress na dala ng kanyang pagkakabihag.

lolong-crocodile-dead

Sa panayam ng ANC kay Mayor Edwin Elorde ng Bunawan, Agusan del Sur kung saan nabihag ang buwaya ay napansin nila noong pagkatapos ng bagyong Pablo na nag-iba ang kulay ng dumi nito mula sa puti ay naging kulay kayumanggi. Kahapon ng umaga ay napansin di nila na lumobo ang kanang bahagi ng tiyan nito kaya agad nila itong pinatingnan sa beterinaryo ng Crocodile Farm.

Update: Ayon sa Philippine Star nakalunok umano si Lolong ng nylon cord tatlong linggo na ang nakakaraan na  naging dahilan ng paglobo ng tiyan nito..

Gaya ng sinabi ko sa umpisa ng blog post na ito, marahil ay nagkaroon ng epekto sa buwaya ang pagkakabihag dito. Inalis si Lolong sa kanyang natural na tirahan at inilipat sa isang maliit na kulungan. Kahit naman sino siguro, tao man o hayop ay hindi magiging kumportable sa ganoong kalagayan. Idagdag pa ang mga bumibisita para makita si Lolong. It must have been a really stressful life in captivity for the giant crocodile.

Binihag si Lolong dahil pinagsuspetsahan ito na siyang umatake at kumain sa isang magsasaka sa Bunawan at pagpatay sa isang dose anyos na dalagita noong 2009. What if di pala talaga si Lolong ang may sala at malaya pa rin ang tunay na salarin. Think about it dear readers. Hindi nalalayo sa kuwento ng mga preso natin.

Till my next rant. Peace and Stay fresh, whether you’re human or an animal.🙂

4 thoughts on “Ded na si Lolong (World’s largest crocodile in captivity dies)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s