Tadonggeniuskuno Turns 3: The Anniversary Giveaway


Magandang araw mga bata! Kung kayo ay giliw na tagasubaybay ng munti kong blog, marahil ay alam na ninyo na sa darating na ika-20 ng Enero ay ikatlong anibersaryo na ni Tadonggeniuskuno sa World Wide Web. Marami na ang nangyari mula ng simulan ko ang blog na ito tatlong taon na ang nakakaraan. Nakapunta na ako sa malayong isla ng Batanes, nakasama sa isang makabuluhang proyekto sa Sorsogon; may na-encounter ng isang “obsess fan”, nakapasok sa Bilibid (nakalabas din naman, awa ng Diyos) at marami pang ibang nakakatuwang karanasan.ย ๐Ÿ™‚

pusa

Dahil nga sa third anniversary na ng blog na ito at bilang pasasalamat sa aking mga cult followers ay naisip kong magkaroon ng munting pakulo para sa inyong lahat, ayus ba yun? Tutal ay uso naman ang mga raffle kaya makikisabay ako sa uso. Pero hindi ito kasing-awesome ng ibang raffle ng mga kapwa ko bloggers kaya pangungunahan ko na kayo. Gusto ko sanang mamigay ng all expense-paid trip for 2 to Middle-earth courtesy of Gandalf Air with accomodations at the luxurious Mordor Hotel and Casino o di naman kaya ay tatlong Golden Ticket sa chocolate factory ni Charlie kaso di kaya ng budget ko mga kakosa. Kung gusto nyo naman na pumunta sa outer space eh sumali na lang kayo sa promo ng Axe Philippines dahil malamang ay sasali din ako dun.

Going back to my pa-raffle, (churi, lumalabas ang pagka-inner coรฑo ko) napagdesisyunan ko na ang ipamigay na lamang ay isang bagay na magugustuhan ng mga tulad kong mahilig magbasa ng libro, wala akong pakialam kung ang binabasa mo ay Twilight, 50 Shades of Grey o ang Everything you Wanted to Know about Sex but were Afraid to Ask your Children ni Gary Lising, ang mahalaga ay nagbabasa ka dahil sabi nga ng idolo ko na si Bob Ong, “…wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.โ€

Ang papremyo ko sa isang masuwerteng tagasubaybay ay gift certificate mula sa National Bookstore na nagkakahalaga ng Php500.00 (this raffle is not sponsored by NBS).

Hindi ko pinamimigay yung mga libro, yung The Hobbit hiniram ko lang.

Hindi ko pinamimigay yung mga libro, yung The Hobbit hiniram ko lang.

Consolation price yungย The Best of Chico, Delamar, and Gino’s The Morning Rush Top 10, Book 2 (hopefully a signed copy) at yung Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo ni Ramon Bautista๐Ÿ™‚

tadonggeniuskuno-giveaway

Simple lang ang mechanics, Comment on this post by answering a very simple question:

Ano ang paborito mong blog post ni Tadonggeniuskuno at bakit ito ang napili mo?

Pag nasagot mo na ang tanong i-share lamang ang giveaway sa Facebook o Twitter.(No need to follow me but you can follow if you want, walang pilitan) Siguraduhin lamang na nakalagay ang link ng iyong status/tweet kasama ng komento at naka-set ito sa Public for verification purposes.

By the power vested in me, I will choose the three winners of this contest sa tulong na rin ng panel of experts — magic tambiolo lang mga dear readers. Lol. You have until the 31st of January to leave your comment. I will announce the winner on the first day of February

Update: Announcement of winners will be on February 4, why? Nagpa-feng shui kasi ako at sabi eh mas masuwerte raw ang araw na yun.๐Ÿ˜€

Good luck.

22 thoughts on “Tadonggeniuskuno Turns 3: The Anniversary Giveaway

  1. “Sa Libing Ko, Patugtugin Mo”. Bakit? Kasi isa yung sa mga unang blog posts na nabasa ko na talaga namang naka-relate ako. Tsaka nakakatuwa kasi tungkol sa death, pero light lang ang atake. Hehe. Pinagawa ko na din kasi dati yun sa mga estudyante ko at sobrang seryoso ng mga sinagot nila. Hehe.๐Ÿ˜€

  2. Happy Anniversary po!๐Ÿ™‚

    Ang pinakapaborito kong post ay ito https://tadonggeniuskuno.wordpress.com/2012/10/03/the-complete-text-of-the-cybercrime-prevention-act-of-2012/ Tungkol sa cybercrime at napakacontrobersya nito last year dahil sa pagpapatupad ng anti cybercrime dumami ang mga hackers at nakakatawa nga dahil mga senador na nagpatupad ng batas na ito ay nahack pati kanilang mga sariling website.. lol ang panahon nga naman hi tech na dumadami din ang high tech ang utak copy paste daw ba..๐Ÿ˜€

  3. My twitter share – https://twitter.com/patrickstar88/status/293971936902524931
    Ang favorite ko ay ang post mo about this https://tadonggeniuskuno.wordpress.com/2013/01/04/the-epic-weekend-in-jomalig-part-1-breaking-the-waves/ Nakarelate ako dyan kasi first time ko pumunta sa Polillo last November 2012. Medyo kinakabahan ako sa tawid dagat experience pero nasurvive ko naman siya. hehe Taga Lucena kasi ako and feeling ko achievement ko na din yun bago matapos ang 2012 na makapunta sa Polillo. Yung Jomalig is the farthest town of Quezon at talaga mahirap pumunta dun because of huge waves din saka laging binabagyo ang lugar. Buti po nagenjoy kayo sa pagtawid dagat. hehe

  4. Twitter post: https://twitter.com/sweetrhizza14/status/295387507871330304

    1. Ano ang paborito mong blog post ni Tadonggeniuskuno? “Gusto kong matutong mag-bike”
    -https://tadonggeniuskuno.wordpress.com/2012/11/24/gusto-kong-matutong-mag-bike/

    2. Bakit ito ang napili mo?
    -Napili ko tong blog post mo na to kasi pagka kita ko palang sa title, parang nakahanap ako ng kakampi. I found a friend in you,Tadong Genius. hehe. Bakit? Kasi tulad mo, di rin ako marunong mag bike. I never had the chance to own a bike when i was young kasi ayaw ako bilhan ng Tatay ko, pang lalake lang daw kasi yun.๐Ÿ˜ฆ Sa kagustuhan kong matuto, nanghiram ako sa kababata ko, at ayun puro semplang inabot. Hindi parin ako natuto. But yeah, it’s never too late to learn. I’m planning to rent a bike over the weekends tapos susubukan ko ulit matuto kahit ma shoot pa sa kanal. hahaha! Goodluck. We can always bring back the childhood we missed.๐Ÿ™‚ Tiwala lang.๐Ÿ™‚

  5. Heto ang peyborit ko https://tadonggeniuskuno.wordpress.com/2012/09/22/the-gubat-sorsogon-book-sharing-project-changing-lives-one-page-at-a-time/ dahil:
    1) Kung hindi dahil sa event na ito ay hindi ko makikilala ang tadonggenuiskuno at ang tao sa likod nito๐Ÿ˜‰
    2) Dahil ito ay tungkol sa paglalakbay at pagtulong (volunteer), isang kombinasyon na napakalapit sa aking puso
    3) Dahil tungkol din ito sa pagbabasa! Bookworm ako (may Tagalog translation ba ito?) simula pa pagkabata at todo relate ako sa manunulat dito.
    4) Dahil qi-noute rito si Bob Ong, at isa siya sa mga paborito kong manunulat! (astig pa!)
    5) Feel ko lang. (kailangan pa ba ng dagdag na paliwanag?) =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s