Dabarkads, May Eat Bulaga Indonesia na! (Updated with video)


Kung dati ay mga programang galing sa Estados Unidos ang ipina-franchise ng ibang mga bansa (kabilang na ang Pilipinas) at ginagawan ng lokal na bersyon, sa kaunaunahang pagkakataon (correct me if I’m wrong) ay may isang programang Pinoy na may international version. Ito ay walang iba kundi ang long-running noontime show na “Eat Bulaga” na may Indonesian version na, amazing diba mga dabarkads.

eat bulaga indonesia pic 1

Ang “Eat Bulaga Indonesia” ay mapapanood sa Surya Citra Televisi (SCTV) simula ngayong araw at ipapalabas sa ganap na 4:00PM hanggang 5:30PM. Kabilang sa mga host ng programa sina  Uya Kuya, Farid Aja, Reza Bukan, Ramzi, Narji, Ciripa, Rian Ibram, Rio Indrawan, Steven, Leo Consul (na isang Pinoy at dating host sa ABS-CBN Baguio), Selena Alexandria, Jenny Tan, Bianca Lizza at Julie Christie.

eat bulaga indonesia pic 2
Ayon kay Harsiwi Achmad, Program and Production Director ng SCTV ang programa maliban sa pagiging entertaining ay magiging educational, magpapalaganap ng positive values at magpapalapit sa kanila sa komunidad. (base ito sa nakuha ko sa Google Translate). Umaasa rin sila na magtagal ang kanilang bersyon gaya ng orihinal na palabas na 33 taon nang nagpapasaya ng mga manonood.

eat bulaga indonesia pic 3

Indonesia Pintar (Pinoy Henyo)

Ito na pala ang Wally, Jose at Paulo nila sa kanilang bersyon ng Pambato ng Videoke.

Juan For All, All For Juan

At siyempre ang theme song ng Eat Bulaga in Bahasa.

♫”Aya nyanyi bersama-sama, Aya kita berbagi tawa… Bersama di Eat Bulaga!”♫ (may side comments lang si Manong sa video)

Eat Bulaga Indonesia sa Kapuso Mo, Jessica Soho (Kasama ang panayam sa ating kababayan na si Leo Consul)

Congrats sa Eat Bulaga, may mga dabarkads na rin sa Indonesia!

2 thoughts on “Dabarkads, May Eat Bulaga Indonesia na! (Updated with video)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s