Malinamnam na tunggalian sa Iron Bar Chef Bilibid Cooking Showdown


Yum, yum yum! Ping, ping ping!

Kasama ang ilang kapwa blogger ay naging saksi ako sa grand finals ng Iron Bar Chef Bilibid Cooking Showdown sa National Bilibid Prisons sa lungsod ng Muntinlupa sa paanyaya na rin ni Ms. Maricar Villar, Communications Head ng Bureau of Corrections (Salamat din kay Ms. Divine Caraecle).

Bago nagsimula ang kompetisyon ay tumugtog muna ang kanilang mga banda ng classical at rock music. Nagpakitang gilas din ang kanilang sariling bersyon ng grupong Hagibis sa mga manonood.

iron bar chef bilibid 2

Kasali sa grand finals ang mga sumusunod na grupo: Team Yumyum, Team Planet, Team Sarap, Team Lolong Pogi, Team Namit, at Team Uban na siyang nagwagi sa patimpalak. Binigyan lamang ng isang oras para magluto ng apat na putahe ang baat grupo at ang mga sangkap na kanilang ginamit ay kung ano lamang ang laman Mystery Bayong na binigay sa kanila.

iron bar chef bilibid 1

Ilan sa kanilang mga nilutong putahe:

iron bar chef bilibid 6iron bar chef bilibid 12iron bar chef bilibid 11iron bar chef bilibid 10

Matapos ang isang oras ng pagluluto ay napagdesisyunan ng inampalan sa pangunguna ni Chef Gene Del Prado na igawad ang kampeonato sa Team Uban.

iron bar chef bilibid 8

Sa kabila ng limitadong oras at mga sangkap ay nagawa ng mga kalahok na magluto ng mga putaheng tunay na katakam-takam at maaring ihanda sa mga sosyal na restawran. Nagkamit ng Php15,000 premyo ang Team Uban ngunit di naman umuwing luhaan ang iba pang mga grupo dahil lahat naman sila ay may nakuhang gantimpala.

iron bar chef bloggers group pic

Hindi po sila mga kalhok, sila ang mga kasama kong bloggers na nag-cover ng patimpalak.

Sa panayam ng Interaksyon.com kay Jaybee Sebastian, over-all inmate coordinator ay sinabi nito na ang Iron Bar Chef ay naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga inmates na may talento sa pagluluto. Aniya ”Kahit di pa natin hintayin yung paglaya nila, pwede sila magtinda-tinda diyan, mag-carinderia o tumanggap ng orders. Pero ang main objective ay maipakita sa malayang lipunan na ang mga tao dito ay di halang ang kaluluwa, na mayroon kaming soft side.”

iron bar chef bilibid 14

Chef Gene Del Prado announcing the winner of the competition.

Congratulations mga kakosa, naway ipagpatuloy ninyo ang inyong angking galing sa culinary arts. Malay nyo sa susunod ay nandyan na si Padma Lakshmi at nagsasabi ng “Please pack your knives and go”. (Iba nga palang pakontes yun). Till the next Iron Bar Chef !

    Cookery has become a noble art, a noble science; cooks are gentlemen.
– Robert Burton

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s