Liham Project 2012


A letter is a blessing, a great and all-too-rare privilege that can turn a private moment into an exalted experience.  – Alexandra Stoddard

Kailan ka huling nakatanggap ng sulat mula sa koreo? Yung liham na hindi bank statement, promo offer o credit card billing statement? Malamang ay ngayon mo nga lang uli narinig ang salitang koreo. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya ay marami ng pumalit na paraan ng komunikasyon, nariyan ang texting, chat, email atbp. Matipid nga naman at siguradong makakarating ang mensahe sa paroroonan.

writing a letter

By Petar Milošević (Own work)

Ngunit hindi maipagkakaila na iba pa rin ang dating ng liham na nakasulat sa papel, siyempre hindi yung naka-type, yung sulat kamay at nakasilid sa sobre at ipinadala sa pamamagitan ng koreo (yung dumaan sa post office at may selyo). Dati rati ay ito lang ang paraan para makipagkumustahan sa mga kamag-anak, kaibigan at ka-ibigan na nasa malayong lugar. Kung hindi man sa koreo ay ipinapahatid ito sa kamag-anak o kakilala na uuwi ng probinsiya upang siya na ang mag-abot sa iyong sinulatan.

airmail-envelopes

Mas masarap sa pakiramdam ang makatanggap ng liham kesa sa email o text message. Alam mong pinag-isipan at pinagbuhusan ng oras ng sumulat ang liham. Na sa kabila ng mabilis na takbo ng buhay at dami ng mga ginagawa niya ay naupo siya sandali at ibinahagi ang nangyayari sa kanya at kinumusta naman ang iyong kalagayan sa pamamagitan ng liham. Maliban dito ay maari mong itago ang liham at muling basahin sa hinaharap.

reading a letter

Nikolay Bogdanov-Belsky [Public domain], via Wikimedia Commons

Dahil dito ay napagpasyahan kong simulan ang “Liham Project 2012”, isang simpleng proyekto kung saan pipili ako ng ilang kaibigan,  na aking susulatan. Maaring may kalakip na larawan o ibang bagay na ikakatuwa ng makakatanggap (paumanhin walang cash). Ang tanging hiling ko lamang sa makakatanggap ay kuhanan ang kanilang sarili na kasama ang liham at ibabahagi ko naman ang laman nito sa sandaling matanggap na nila ang liham.

Barack Obama reading a letter

By White House (Pete Souza) / Maison Blanche (Pete Souza) via Wiki Commons

Till the next blog post. Peace and Stay Fresh.🙂

2 thoughts on “Liham Project 2012

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s