The complete transcript of Sen. Lito Lapid’s speech in the impeachment trial (updated with video)


lito lapid screen grab

Kasamahan kong senador-judge, prosecution, at depensa, sa ating mga kababayang nanunuod at nakikinig sa TV at radyo. Inuulit ko, magandang hapon po sa inyong lahat.

Alam niyo po, wala naman akong speech dito, wala po akong dala. Ang mga kasamahan ko dito, pag pinasok sa isip nila, dadalhin sa bibig at maganda na ang sasabihin.

Bilang high school graduate po, sa ating mga kababayan, anong sasabihin ni Lito Lapid na hindi marunong mag-Ingles, na hindi kaalaman sa batas, ano kaya ang magiging desisyon? Didisisyunan po ng katas-taasang hukom na isang high school graduate lang at taga probinsya ng Pampanga.

Napakinggan ko po ang depensa, siguro purihin po natin ang depensa, napakagaling nila sa mga nakaintindi ng abugasya. Purihin rin po natin ang prosecuton, sa paghanap ng ebidensiya, nakinig po ako sa bawat ebisensiyang inaano nila dito. Ngayon, naaayon po, lalung lalo na si Cong. Farinas yung pong prinisenta niya kahapon ditto, para sakin po malinaw na malinaw na si CJ Corona ay lumabag sa batas.

Siya mismo inamin niya na may $2.4M at P80M na bank account. Yun po siguro hindi na kasinungalin yun, yun po ay totoo na.

lapid survivor

(from Twitter via The Professional Heckler)

Nagpiprisinta po ako dito hindi bilang abugasya, hindi po ako pwedeng magsalita ng Republic Act dahil hindi maniniwala ang tao sa akin. Hindi po ako nagmamarunong marunong dito. Ang ginagamit ko lang po konsensya, representante ng masa na hindi nakapag-aral, hindi marunong mag-Ingles, ni walang alam sa batas.

Kaya nuon pong nagsasalita si Chief Justice Corona, nagsusumbong sa taumbayan, awang-awa po ako sa kanya. Akala ko totoo ang sinasabi niya. Hindi pala.

Mas pinaniwalaan ko pa si Cong. Farinas nung nag Powerπoint dito. Ngayon ang sinasabi niya isang pizza pie, hindi totoo yan na may 82 akong account, siguro kung ako ho ang pagbabasehan ko, kung 100 basong tubig inilagay sa 4 na drum lang ang kanyang account … naawa po ako sa kanya dahil naiintindihan ko po kung anong damdamin niya at sa kanyang pamilya, naranasan ko rin po yan.

At sana sa pagkakataong ito, pasasalamatan ko siya dahil nung pangalawa kong panalo bilang senador, sa kanya ako nanumpa bilang senador.

Pasensiya na  po. Pasensiya na po. Pasensya na po. Ang hatol ko sa inyo, guilty.

Image

Senator Manuel “Lito” Mercado Lapi’s full bio.

8 thoughts on “The complete transcript of Sen. Lito Lapid’s speech in the impeachment trial (updated with video)

  1. Mas katanggap-tanggap si Senador Lapid kaysa kay Senadora Santiago sa ginawa nilang paghahatol kahapon sa aking pananaw. Subalit, hindi passes ni Senador Lapid na wala siyang alam sa batas upang maging lubos na katanggap-tanggap siya sa posisyon niya, dapag mag-aral siya. Si Senadora naman, laging galit kapag nagsasalita pero sa likuran niya pinagtatawanan siya ng mga tao.

  2. Message coming from the heart. So impromptu. Pero di niya puwedeng sabihin na di siya nag aral ng batas. Baka ibig niyang sabihin ay di siya eksperto sa batas. Nag aaral po si Lito Lapid ng batas kahit papaano, Inaalalayan po siya ng ibang kasamahan niya sa Senado.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s