Freaky Friday: My Close Encounter with the Crazy Kind


Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw? Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag? Yaong bang sinilang, na ang pag-iisip di lubos? O husto ang isip, Ngunit sa pag-ibig ay kapos

Payapa akong naglalakad sa Luneta habang nakiking sa Morning Rush with Chico and Delamar (kasama pa pala si Ginoboi) nang naulinigan ko ang boses ng isang babae, “Kuya, wag mo kong iwan, mahal na mahal naman kita”. Paglingon ko ay taong grasa,hmmm, Wow Mali kaya ito? Pero sobrang aga naman para mag-set up sila sa Luneta. Saka di naman siya mukhang umaarte lang, she was the real thing, to legit para isipin ko na prank lang yun. Sakto pa namang ang topic sa Morning Rush ay Top Ten Questions for contestants of Bb. Cray-Cray.

Binilisan ko ang lakad ko at tumawid kahit may paparating pang sasakyan at kahit hindi pa ako dumarating dun sa nakasanayan ko ng tawiran. Akala ko ay wala na siya at lulubayan na ako pagtawid ko pero sumunod pa rin. Narinig ko pa rin siyang sumisigaw ng “Kuya, Kuya, please naman wag mo kong iwan…”, shoot, pinagpawisan ako ng malagkit at nanlamig ang buo kong katawan. Naka-go pa rin yung mga sasakyan na tinatahak ang kalye ng Padre Burgos kaya pwede niya akong maabutan. Bahala na, sabi ko sa sarili ko, it was a now or never situation. Tumakbo sa aking isipan na baka ma-headline ako sa TV Patrol, “Lalaki, nasagasaan dahil sa pag-iwas sa taong grasa.”, ang saklap naman.

Mabuti na lang at bihasa na ako sa jaywalking, correction, jayrunning  (Kids, do not do this). Tinakbo ko mula doon sa kanto ng Burgos at Orosa hanggang sa opisina, takbong walang lingunan, para bang Sodom at Gommorah lang yung pinanggalingan ko at sa sandaling lingunin ko si crazy lady ay magiging bato ako . Thank goodness at hindi na niya ako nasundan. Whew, are you there God? It’s me, Tadonggeniuskuno, alam ko naman na concerned ka dahil wala akong lovelife pero wala namang ganyanan. Wag naman yung babaeng literal na crazy in love. No offense sa ating mentally disturbed na kababayan pero hindi ko lang talaga kayo type. Pero kung ganito siguro baka pag-isipan ko. angel locsin mmkO ganito, Maricar-Reyes-May-Bukas-Pa

What a Freaky Friday. Till my next rant. Peace and Stay Fresh and Sane dear readers. PS. Kung may kilala kayong may sakit sa pag-iisip o kung kayo mismo ay may sintomas nito mangyari ay makipag-ugnayan lamang sa National Center for Mental Health. Maraming salamat.

25 thoughts on “Freaky Friday: My Close Encounter with the Crazy Kind

  1. Woah! What an experience!

    Aba, malay mo Wow Mali or some journalistic show.
    Hehehe at least napatunayan mu din sa sarili mo na habulin ka din ng mga babae… babeng taong-grasa. Hehehehe.

    Great post, made my day.

  2. hahahahah nangyari din sken yan dyan s may PLM pero hindi ako hinabol para sabihing mahal ako, ang masaklap hinahabol ako dahil galit na galit sa akin waa malagkit din ang naging pawis ko nun grabeh hahahahah

  3. Sorry off-topic eh. San ka ba nakabili ng STAY FRESH para i-header sa blog mo? LOL Miss ko na yan kaso wala na akong makita dito sa Cebu. Ka-batch ko yan eh. Sobra akong na-struck sa header!

  4. Hay I have so many encouters with the third kind, I mean the coockoos of Manila. Ewa ko ba bat andami nila and favorite nila akong pagtripan. One time I was walking along PNU when a crazy person ran after with tons of gunting sreaming “ang haba ng buhok mo.” Grabeh that scared the $#%&@! out of me!

  5. minsan katakot din pag meron kang makakasalubong or biglang makakasabay na ganito kasi yung iba nanakit. eh wala tayong laban kung ang pagkakaron nila ng kapansanan sa pag iisip ang pag uusapan at idadahilan. tsk..

  6. I’m kinda used to seing them almost everyday. I don’t worry them much as they have a world of their own. Huwag mo lang silang istorbohin para di ka nila guluhin. ^_^

  7. Freaky Friday, indeed.🙂

    You made me miss Manila, btw!

    I studied in PLM, and you could say batang Maynila ako, and yes, I had my share of close encounter with crazies.

    Sometimes they made you shake your head and smile with embarrasment but I like how you ended your post with a message about where to call for assistance.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s